Sinisi sa malawakang pagbaha WATER MANAGEMENT PALPAK – SOLONS

SINISISI ng mga senador ang kawalan nang maayos na water management and administration sa bansa, bilang dahilan ng patuloy na nangyayaring mga kalamidad na ang taumbayan ang higit na naaapektuhan.

Nagkakaisa sina Senador Imee Marcos, Senador Grace Poe at Senador Ramon Bong Revilla na panahon nang magkaroon ng solusyon ang pagbaha na matagal nang suliranin ng bansa.

Ayon kay Marcos, naghain siya ng Senate Resolution No. 573 na nag-aatas sa Senate Committee on Public Works na magsagawa ng pagsisiyasat sa man-made disaster nang nanalasa ang Typhoon Ulysses na nagpabaha sa maraming lungsod sa Metro Manila at Bicol region.

Aniya, hangga’t hindi natatapos ang proyektong dam ay hindi malayong maulit muli ang mga kalamidad.

Inihalimbawa nito ang isang dam na dapat ay makatutulong sa 100,000 ektarya ng irrigated land sa Cagayan, ang Parañaque Spillway, at ang Marikina Floodway na hindi natapos.

“We have no one to blame but ourselves because we did not follow the plan. It is most important in this hearing to find solutions… legislation that will put budgets that are adequate to face the problem and frameworks of the administration and water management that will meet the great challenge of the next two decades, water supply, its management, its administration, and its safety. I am hopeful that new technology such as those propagated now in China and India will also be introduced in the Philippines and that we will become more cognizant of all these new technologies,” paliwanag pa ni Marcos.

Sinabi naman ni Poe, dahil sa palpak na pamamahala sa patubig ay nagsisilbing malaking suliranin ito ng buong bansa.

Aniya, ang water service interruptions sa Metro Manila at iba pang syudad sa panahon ng dry season at ang pagbaha sa panahon ng tag-ulan ay patunay na bigo ang pamamahala sa supply ng tubig.

“We have to capture and store rainwater and utilize it for irrigation, ground water recharge, fire-fighting and other water supply purposes. Through this, water is conserved, and flooding is mitigated,” ani Poe.

Binatikos naman ni Revilla ang mga ahensya ng pamahalaan na sa kabila na nakararanas ng 20 bagyo ang bansa kada taon ay wala pa ring solusyon na nakikita para mapaghandaan ito.

“Just because we are in the path of these typhoons, we should readily accept it as the way things are. I believe there is an urgent need for proper infrastructure and intervention in managing flood waters,” giit ni Revilla.

Inihalimbawa pa nito ang massive flood control projects sa mga bansang Netherlands at Japan na nagbibigay ng proteksyon sa mga mamamayan nito mula sa pagbaha. (NOEL ABUEL)

192

Related posts

Leave a Comment