Sintomas ng COVID inilihim REP. YAP KAKASUHAN NG PSG

PINAG-AARALAN na ng Presidential Security Group na sampahan ng kaso si Congressman Eric Yap dahil sa hindi pagdedeklara ng tama at pagtatago ng ilang impormasyon nang
ito’y magtungo sa Malakanyang nitong nakaraang Sabado para sa isang pulong.

Sinabi ni PSG Commander Col. Jesus Durante, nag-fill up nga ng declaration form ang kongresista subalit tila nagsinungaling ito at hindi idineklara na mayroon pala siyang nakasalamuha na mga positibo sa COVID 19.

Bukod pa sa hindi rin isinulat ni Yap sa declaration form na may nararamdaman siyang sintomas ng corona virus gaya ng ubo.

Dahil dito ay nakompromiso umano ang kalagayan ng mga nakapulong ni Yap hindi lang ng cabinet secretaries gayundin ng mga PSG personnel, support staff at kung sino-
sino pang kasama sa naturang pagpupulong.

Tinatayang nasa 20 indibidwal ang nakasalamuha ni Congressman Yap nitong nagdaang Sabado na ngayon ay itinuturing nang PUI.

SELF QUARANTINE
Dahil dito, sasailalim na rin si Senador Bong Go sa 14 day self-quarantine matapos magpositibo si Rep. Yap sa COVID-19.

“I am left with no choice but to comply,” ayon kay Go.

Nilinaw ni Go na gagawin niya ito kahit wala naman siyang nararamdamang sintomas ng sakit. CHRISTIAN DALE

135

Related posts

Leave a Comment