DAHIL sa mga hamon ng pandemya, gumagamit ang Villar SIPAG ng social media platforms para makonek at maabot ang mas maraming tao sa pagtuturo at pagbibigay ng kaalaman sa native animal production.
Nakipag-partner ang Villar SIPAG, kung saan director si Sen. Cynthia Villar, sa Bureau of Animal Industry (BAI) at National Swine Poultry Research and Development Center (NSPRDC ) para sa proyektong ito.
Sa kabila ng maraming hamon sanhi ng pandemya, sinabi ni Villar na kailangan nating maging “creative” upang magkaroon tayo ng sariling pagkain.
Idinaos ang katatapos lamang na three- day webinars na may paksang “Katutubong Hayop, Pag-asa natin sa Pagbangon ngayong Pandemya,” noong August 17, 18 and 20.
Bukod sa urban gardening, hinihikayat din ng chairperson ng Senate Committee on Food and Agriculture ang publiko sa produksyon ng native animals gaya ng native pig at chicken at peking duck.
Iginiit ni Villar na nakapagbibigay ang native animal production ng pangkabuhayan at nakapag-aambag sa food sufficiency at stability.
“It is important to develop the industry of native animals to improve the income of local farmers at animal breeders at maiangat ng kondisyon ng kanilang alleviate their condition. This also reflects our culture and Filipino foods,” ayon kay Villar.
Sinabi rin ng senador na makatutulong ito sa pagbangon ng ating ekonomiya na nalugmok dahil sa coronavirus.
Iginiit ni Atty. Angelo Valencia, may-ari ng Tibby’s farm sa Pampanga, na nasa countryside at wala sa siyudad ang kinabukasan ng Pilipinas.
“If the Philippines want to really make it to the first world, we have to empower agriculture, agro-culture and agroforestry,” sabi pa ni Valencia na nagsimulang magsaka matapos maisabatas ang Farm Tourism Act na inisponsor ni Villar. Pinasalamatan din niya ang senador sa pagsusulong sa agrikultura ng bansa.
Sinabi naman ng Resource speaker na si Dr. Rene Santiago ng Philippine Native Animal Production na ang native animals ay mahalagang salik ng agricultural production system sa rural areas ng Asian region. Suportado nila ang cultural, social at economic status ng rural farming communities.
Tinalakay naman ng speaker na si Mat San Agustin ng NSPRDC ang feeding practices sa native chickens, tips at guidance sa pag-aalaga ng mga manok at pagbabakuna sa,kanila pati na rin ang halaga at kita sa mga ito.
Nagluto si Chef Elsa Jocson Yabut ng Lola Nor’s Meryendahan ng specialty dish na Adobong Matwa o Adobong Puti, isang heritage cuisine.
Ang serye ng webinars ay itinaguyod ng Villar Sipag Farm Schools Las Pinas-Bacoor at San Jose Del Monte sa pakikipag-ugnayan sa farm owners ng Graco Farm and Leisure Inc., Ang Tindahan ng itlog ni Kuya atbp., Lucciole, at Tibby’s Farm.
May libu-libong views ang webinars kung saan host si Dr. Gilbert Bolo ng NSPRDC. (ESTONG REYES)
162 