‘SIPSIP’ NA KATRABAHO TINODAS NG SEKYU

LAGUNA – Bunsod umano’y pagiging “sipsip” kaya napatay ang 47-anyos na security guard ng kanyang kabaro sa San Pablo City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles.

Kinilala ang biktimang si Fernado Empoy Maloles ng Barangay Prinza, Calauan, Laguna.

Idineklarang dead on arrival sa San Pablo City District Hospital ang biktima makaraang barilin ng suspek na si Ramil Aranda Ramos, 37, ng Brgy. Sta. Elena, San Pablo City.

Ayon sa nakasaksi sa insidente na si Ronnie Tayaktak Lecciones, 44, isa ring gwardiya, nag-ugat ang alitan ng dalawa dahil sa pagsisipsip umano sa kanilang amo na nagresulta sa pamamaril ng suspek sa biktima alas-5:30 ng umaga sa Montelago Subdivision sa Brgy. Sta. Elena.

Makaraan ang pamamaril, isinuko ng suspek ang kanyang cal. .38 na baril sa assistant security officer sa Tiaong, Quezon at saka mabilis na tumakas.

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang nasabing suspek. (CYRILL QUILO)

141

Related posts

Leave a Comment