SITG BINUO SA PAMAMASLANG KAY JOHNNY DAYANG

INUMPISAHAN na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang pag-backtrack sa mga CCTV na posibleng dinaanan ng salarin sa pamamaril sa dating mamamahayag na si Juan “Johnny” Dayang.

Sa ulat sa Kampo Crame, dakong alas-8:00 ng gabi, nakahiga sa kanyang rocking chair habang nanonood ng TV nang pasukin at pagbabarilin si Dayang sa kanyang bahay sa Villa Salvacion, Andagao, Aklan.

Nagawa pang maisugod sa Aklan Provincial Hospital, subalit idineklarang dead on arrival ang biktima bunga ng tama ng bala sa kanyang leeg at likod.

Samantala, sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesperson Police Brig. Gen Jean Fajardo na may sinusundan silang magandang lead sa pamamaril sa 80-anyos na si Dayang na longtime president ng Publishers Association of the Philippines Inc. (PAPI).

Naging kolumnista rin siya ng Balita at Tempo ng Manila Bulletin at naging presidente ng Manila Overseas Press Club, direktor at board secretary ng National Press Club.

(TOTO NABAJA)

10

Related posts

Leave a Comment