SA Philadelphia, isang go-ahead 3-pointer ang kinana ni De’Anthony Melton bago matapos ang overtime, habang umiskor si James Harden ng 26 points tungo sa 129-126 win ng Philadelphia 76ers kontra Indiana Pacers.
May nalalabing 2:16 sa OT, inilagay ni Melton ang Sixers sa 125-124 lead. Tumapos siyang may 19 points sa gabing wala ang scoring leader ng team na si Joel Embiid.
Kasunod ng 3-pointer ni Melton ang rim-rattling dunk ni Montrezl Harrell tungo sa 11th straight home win ng Sixers. Nagtala si Harrel ng 19 points (8-for-9 shooting).
Si Embiid, sa nakaraang mga laro ay may iniindang sore lower back, ay hindi sumalang sanhi ng sore left foot na natamo sa laro kontra New Orleans noong Lunes ng gabi.
Inilagay si Embiid bilang ‘day to day’ at ang mga missed game ay inaasahang makakaapekto sa kanyang MVP run.
Wagi si Embiid bilang NBA scoring player sa nakaraang season at ang kanyang 33.5 average sa ngayon ay pangalawa kay Dallas star Luka Doncic (34.3 average).
Si Embiid din ang Eastern Conference player of the month (December). Nangunguna siya sa scoring (35.4 points) sa nakalipas na buwan (55% shooting sa floor) at 42% sa 3-point range.
Dahil absent si Embiid, nangailangan ng production ang Sixers mula sa bench, gaya ni Harrell na umiskor ng 12 sa first half.
Sumablay si Harden sa dalawang free throws, 28 seconds sa OT, angat ang Sixers ng isa. Pero may malaking block shot bago matapos ang laro upang ipreserba ang kalamangan ng Philadelphia at nakapag-setup ng dalawang free throw para selyuhan ang W.
Nanguna si Buddy Hield sa Pacers, 24 points, nagdagdag si Bennedict Mathurin ng 19, habang nagsumite si Tyrese Haliburton ng 16 points at 12 assists. (VT ROMANO)
