Skyway 3 pang-mayaman BAWAS TOLL FEE HIRIT NI DEFENSOR

(BERNARD TAGUINOD)

HINILING ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa Toll Regulatory Board (TRB) na bawasan ang toll fee sa 18 kilometrong Skyway Stage 3 na nagdudugtong sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX) dahil tanging mayayaman ang kayang magbayad dito.

“I think the proposed rates are too excessive for this road link from Buendia Avenue in Makati to the Balintawak area before a traveler enters NLEX,” ani Defensor kaya dapat umanong bawasan ang tollfees upang kahit ang mga ordinaryong motorista ay magamit ang Skyway 3 at maiwasan ang matinding trapiko sa baba.

Sinabi ng mambabatas na ang operator ng Skyway 3 ay gustong magpataw ng P274 na toll fee mula sa Buendia, Makati hanggang sa Balintawak, Quezon City o katumbas ng P15.22 kada kilometro.

“However, the shorter Buendia-Quezon Avenue or Quezon Avenue-Buendia stretch will cost the same. This means that a Quezon City resident who wants to avoid EDSA traffic in going to Makati will have to pay P274 one way or P548 roundtrip using Skyway 3,” ani Defensor.

Hindi aniya kakayanin ng motorista lalo na ang mga empleyado mula sa Quezon City na nagtatrabaho sa Makati City o vice versa, na magbayad ng P548 kada araw na pagdaan sa Skyway 3 kaya malamang na makikipagbuno na lamang ang mga ito sa trapiko sa ibaba.

Mas malaki aniya ito kesa sa minimum wage kaya malamang na hindi makatutulong ang Skyway 3 para maibsan ang trapiko sa Metro Manila dahil sa sobrang mahal ng toll fee.

Umaabot din umano sa P110 hanggang P133 ang toll sa pinakamaiksing biyahe sa Skyway 3 at ang halagang ito ay para lamang sa kotse at pick-up vehicles kaya mas mahal ang babayaran ng mas malalaking sasakyan.

“These already excessive rates are just for cars. Imagine the cost for trucks ferrying goods like rice and vegetables, or raw materials. It could be P1,000 or more. And since tolls can be pass-on charges, the result would be higher consumer prices,” ayon pa sa mambabatas.

Dahil dito, dapat aniyang bawasan ang toll fee kung nais ng TRB at ng operator ng Skyway 3 na tangkilin ang nasabing highway ng mga motorista at maibsan ang trapiko sa Metro Manila lalo na sa EDSA.

175

Related posts

Leave a Comment