SMB, TNT MAY BENTAHE

PAREHONG nangangailangan lang ng isang panalo ang No. 1 San Miguel Beermen at No. 2 TNT Tropang Giga sa ­double-header ng 2022 PBA Philippine Cup quarterfinals sa Araneta Coliseum ngayon (Miyerkoles).

Kung matatalo ng TNT ang Converge FiberXers sa alas-3 ng hapon na laro, dederecho na sa semifinals ang Tropang Giga.

Ganito rin ang mangyayari sa SMB kung magwawagi laban sa Blackwater Bossing sa 6pm main game.

Ito ay dahil kapwa armado ang Beermen at Tropang Giga ng twice-to-beat advantage, kaya kailangan lang nilang manalo ng isang beses habang dalawang beses ang Bossing at FiberXers.

Mayroong kabuuang 9-2 panalo-talong kartada ang SMB, habang 8-3 ang TNT, at kapwa may 5-6 record ang Converge at Blackwater sa pagtatapos ng elimination round ng All-Filipino Cup.

Sa kabila ng pagiging dehado, parehong palaban ang Bossing at FiberXers at umaasang maa-upset ang top 2 teams sa 47th PBA first conference.

117

Related posts

Leave a Comment