SMNI SUSPENSION NILARGA SA KAMARA

PINASUSUSPINDE ng isang Davao solon ang operasyon ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa National Telecommunication Commission (NTC) dahil sa paglabag umano ng mga ito sa kanilang prangkisa na nagbabawal na magkalat ng kasinungalingan.

“Pending the recommendation of the Committee on Legislative Franchises on the alleged violations of SMNI, it is the duty of the National Telecommunications Commission to immediately stop the deliberate dissemination of false information that may generate cynicism and mistrust on matters involving public interest,” ayon sa House Resolution (HR) 1499 na inakda ni PBA Party-list Rep. Margarita Nograles.

Si Nograles ay anak ni dating House Speaker at Davao City Rep. Prospero “Nogi” Nograles at kapatid ni Civil Service Commission (CSC) Chairman Karlo Nograles at mga kalugar ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na may programa sa SMNI na pinamagatang “Gikan sa Masa, Para sa Masa”.

Ang SMNI ang gumagamit ng Swara Sug Media Corporation na binigyan ng 25 taong prangkisa noong 2019 o panahon ni dating Pangulong Duterte sa pamamagitan ng Republic Act (RA) 1422.

Ayon sa mambabatas, malinaw na nilabag ng SMNI ang Section 4 ng prangkisa ng Swara Sug Media Corporation na nagsasabing “…not use its station or facilities for the broadcasting of obscene or indecent languages, speech act, or scene: of for dissemination of deliberately false information or willful misrepresentation, to the detriment of the public interest”.

Habang isinusulat ito ay nakatakdang ipagpatuloy ng House Committee on Legislative Franchises ang pagdinig sa mga paglabag umano ng SMNI sa kanilang prangkisa kung saan inaasahan na maglalabas ng desisyon ang komite kung ikakansela o hindi ang prangkisa ng Swara Sug Media Corporation.

Noong 2021 ay hindi binigyan ng komite ng prangkisa ang ABS-CBN dahil sa iba’t ibang paglabag sa batas at maging sa konstitusyon.

(BERNARD TAGUINOD)

193

Related posts

Leave a Comment