SMUGGLED PPEs, ALCOHOL IPAMIMIGAY SA FRONTLINERS

GUMAGAWA na ng paraan ang Bureau of Customs para sa posibilidad na maibigay sa mga frontliner ang mga nakukumpiska nilang kontrabandong face mask at mga personal protective equipment o PPE.

Sa katunayan ayon kay Customs spokesman Philip Maronilla ay nakikipag- ugnayan na siya sa Department of Justice upang maisapinal na ang ilang hakbangin tungkol sa mga nasamsam na medical items.

Ayon kay Maronilla, kasama nila ang NBI na may ginagawang koordinasyon sa DOJ na nagkasa rin ng mga raid at nakakumpiska ng mga overpriced alcohol.

Aniya, sinisikap nilang mapabilis ang forfeiture ng mga kumpiskadong smuggled items at mula roon ay mai-donate na sa mga health worker na tunay na nangangailangan ng proteksiyon sa kanilang ginagawang pag-aasikaso sa mga pasyente ng COVID 19.

Sa kabilang dako, sinabi ni Maronilla na “as of March 29” ay mayroon nang 2,865 na naproseso na mga personal protective equipment shipment ganundin ng emergency medical supplies and equipments. CHRISTIAN DALE

 

174

Related posts

Leave a Comment