(Ni JOEL O. AMONGO)
Samantala sa Port of Zamboanga, nasabat naman ng Bureau of Customs (BOC) sa tulong ng Intelligence and Enforcement Groups nito at iba pang ahensya ng gobyerno ang smuggled rice at cigarettes sa may Pangutaran, Sulu at Isabela City, Basilan noong nakaraang Agosto 19, 2019.
Ayon sa preliminary report, ang BOC agents ay nakakita ng maraming sako ng bigas sa loob ng ML Nhardzmar-2 habang nakadaong sa Weebin Private Wharf, Baliwasan Seaside, Zamboanga City.
Bukod dito, nasabat din ang hindi pa malamang boxes ng sigarilyo na may iba’t ibang brand na nakasakay sa MV Trisha Kirsh-1 ng Aleson Shipping Lines sa nasabi ring lugar.
Ang mga nabanggit na mga kargamento kasama ang mga pinagsakyan ay itinurn-over sa BOC para isyuhan ng Warrants of Seizure and Detentions (WSDs).
Ang mga kargamento ay malinaw na lumabag sa Section 1113 paragraphs (a) and (g) ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) RA 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 at RA 8293 o mas kilala sa tawag na Intellectual Property Code of the Philippines.
Pinuri naman ni Collector Segundo Sigmundfreud Barte, District Collector ng Port of Zamboanga, ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS), Philippine Coast Guard (PCG) Task Force Aduana, Joint Task Force Zamboanga at ang PPA Port Police sa patuloy na pinaigting nitong kampanya kontra smuggling partikular na sa agricultural products at iba pang anti-social goods na isa sa mga 10-Point Priority Program ng ahensya.
Ang pagkakasabat ng nasabing kontrabando ay magsisilbing babala laban sa mga smugglers at manufacturers ng pekeng sigarilyo.
