SOCIAL SECURITY AND PROTECTION CLUSTER, PINABUBUO

IMINUNGKAHI ni Senador Alan Peter Cayetano sa gobyerno na i-convene o buuing muli ang social security and protection cluster upang tugunan ang pangangailangan ng mga manggagawang Pinoy.

Sinabi ni Cayetano na kailangan ng holistic approach sa pagbibigay ng proteksyon sa mga manggagawa kasama na ang pagpapalakas sa mga kasalukuyang programa tulad ng Assistance in Crisis Situation at TUPAD.

Sinabi ni Cayetano na sa panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada, binuo ang social security and protection cluster kung saan nagpulong ang mga opisyal mula sa mga ahensya ng pamahalaan at non-governmental organizations (NGOs) na may kaugnayan sa panlipunang proteksyon upang pag-isahin ang kanilang mga polisiya.

Kabilang dito ang Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Department of Finance (DOF), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa ngayon, ayon sa senador, maaaring magtulungan ang DOLE at SSS upang i-maximize ang TUPAD program para patuloy na makatulong sa mga manggagawa mula sa epekto ng pandemya, habang nire-reactivate din sila bilang nagbabayad na mga social security members.

Dapat din anyang palakasin ang “safety net” para sa mga manggagawang Pilipino, upang mawala na ang pangangailangan para sa mga malakihang programang pang-ayuda katulad ng mga ipinatupad sa kasagsagan ng pandemya. (DANG SAMSON-GARCIA)

190

Related posts

Leave a Comment