(NI NOEL ABUEL)
MAKONSENSIYA naman kayo!
Ito ang apela ni Senador Christopher Bong Go sa mga nasa likod ng mga text scam na gumagamit sa kanyang pangalan para sa kanilang mga modus.
Sinabi ni Go na nilinaw na ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang inootorisa na mga contest at iba pa na gumagamit sa kanyang pangalan para makapangikil ng pera sa mga biktima.
Kaugnay nito, binalaan din ni Go ang nasa likod ng nasabing panloloko sa publiko na mananagot sa batas sa sandaling matukoy ang mga ito.
Umapela rin ito sa taumbayan na huwag magpapaloko para hindi magtagumpay ang mga manloloko.
Pinayuhan din ni Go ang mga nasa likod ng scam na magbanat na lang ng buto dahil galing din sa pinaghirapan ng mga biktima ang mga nakukuhang pera mula sa mga ito.
