Solon sa babala na ‘gapangan’ sa 2022 DUTERTE CAMP INGINUSO SA E-VOTE BUYING

(BERNARD TAGUINOD)

KUNG may mamimili ng boto sa 2022 elections na idadaan sa mga digital payment ay walang ibang pwedeng gumawa nito kundi ang administrasyong Duterte dahil sila ang may pinakamalaking electoral war chest.

Ito ang tugon ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite sa babala ni Philippine National Police (PNP) Director General Guillermo Eleazar na posible ang electronic-vote buying o e-vote buying sa susunod na halalan.

“Pwede talagang mangyari yan, at sino ang numero unong posibleng gumawa nyan? Eh di iyong may malaking electoral war chest. Sino ba ang may malaking war chest? Eh di ang administrasyong Duterte,” ani Gaite.

“Possible source of funds for this would be the Barangay Development Fund of the NTF-ELCAC that could be bloated in next year’s budget,” ayon pa sa mambabatas.

Dahil dito, kailangan aniya talagang bantayan ang paparating na budget season dahil ngayon pa lamang ay plano na umanong palobohin ang pork barrel ng NTF-ELCAC.

Ang budget season na tinutukoy ng mambabatas ay ang pagdinig ng Kongreso sa huling national budget ng administrasyong Duterte na magsisimula sa Agosto 2021.

Sa ngayon ay umaabot sa P19 billion ang pondo ng NTF-ELCAC kung saan P16 billion dito ay ginagamit umano sa pagpapaunlad ng mga barangay sa buong bansa na dating kontrolado ng New People’s Army (NPA).

“This lump-sum pork barrel funds could easily be released to the administration’s allies, who then could use it for vote buying,” dagdag pa ng kongresista.

Noong nakaraang buwan, ibinabala na sa Kongreso ang paggamit sa digital payment companies sa pagbili ng boto ng mga tiwaling politiko lalo na’t ipauubaya sa mga local government unit (LGU) ang pag-transfer ng ayuda sa mga tao gamit ang makabagong sistema sa pagbabayad.

121

Related posts

Leave a Comment