SPECIAL AWARDS NG LGU-PANIQUI AT ULAT SA BAYAN NG SAN PABLO MAYOR

TARGET NI KA REX CAYANONG

ISA si Mayor Leonardo Max Roxas ng Paniqui, Tarlac sa matagal ko nang kilalang public servants sa bansa.

Bihira akong pumuri ng mga lingkod-bayan. Pero nakikita ko ang pagiging sinsero ni Mayor Roxas sa pagsisilbi sa kanyang nasasakupan.

Dahil sa magagandang programa at proyekto ni Roxas ay nakatatanggap din ito ng mga parangal mula sa ilang sektor.

Kamakailan nga, ang Paniqui LGU na pinamumunuan ni Roxas, ay nakatanggap ng pagkilala buhat sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na isang attached agency ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sinasabing ang alkalde mismo ang tumanggap ng parangal sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Philippine National Police (PNP) Multi-Purpose Center, Camp General Rafael T. Crame, Quezon City.

Nakasungkit din ang LGU ng isa pang pagkilala at sa pagkakataong ito ay mula naman sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“Marami pong salamat Department of Environmental and Natural Resources (DENR) sa recognition na ibinigay n’yo para sa aming mahal na bayan ng Paniqui,” ayon sa statement naman ng Paniqui LGU.

“Kabilang ang ating bayan, Paniqui, sa mga nakatanggap ng pagkilala at parangal mula sa DENR bilang isa sa mga may Outstanding Practices in the Closure and Rehabilitation of Dumpsite.”

Ayon pa sa lokal na pamahalaan, “ang recognition na ito ay isang patunay sa mabuting pamumuno nina Mayor Max Roxas at Vice Mayor Bien Roxas.”

Ganyan ang mga Roxas, “tunay na maglilingkod nang tapat para sa bayan.”

Samantala, noong unang linggo naman ng buwang ito, nagsagawa ng Ulat sa Bayan 2023 si San Pablo City Mayor Vicente B. Amante sa harap ng Old Capitol Building

Dinaluhan naman ito ng ating idol na si Congressman Loreto “Amben” S. Amante,

Si Mayor Vicente ay ama ni Cong. Amben.

Sa nasabing aktibidad, “ipinagmalaki ni Cong. Amben ang mga tagumpay at pambihirang panunungkulan ng kanyang butihing ama sa unang taon ng pagbabalik muli bilang alkalde ng lungsod ng San Pablo at taos-pusong nagpasalamat sa pagpapatuloy ng kanyang mga nasimulang programa para sa mga residente ng lungsod.”

Kaya naman, sinasabing bilang bahagi ng pag-uulat, ibinalita rin ni Cong. Amben na mula sa kanyang personal na kahilingan kay Senator Pia Cayetano, ay maglalaan ito ng P100 milyon para sa itatayong San Pablo City Sports Complex.

Aba’y mula naman mismo kay Cong. Amben ang P600 milyon na kanyang inilaan para sa iba’t ibang infrastructure projects sa kanyang nasasakupan.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

211

Related posts

Leave a Comment