10 FELLOWS NG VIRGIN LABFEST IPINAKILALA NA

VIRGIN LABFEST

Ang Artist Training Division ng Cultural Center of the Philippines (CCP) ay malugod na inaanunsyo ang 10 fellows na hinirang para sa Virgin Labfest 15 Writing Fellowship Program na gaganapin sa June 25 hanggang sa July 7, 2019:

1. AGUILA, Carlo Ceroov M.
2. CARTALLA, Jane Frances C.
3. CERVA, Kristine Angel C.
4.CORNEJO, Migy
5. DACARA, Bernice Claire D.
6. DE OCAMPO, Alicia Anne N.
7.ESTRELLADO, Maria Vilma
8. LANDEZA, Jobert
9. PAHAYUPAN, Noel Abada
10. SANTOS, Micah Andre Gozum

Ang Virgin Labfest 15 Writing Fellowship Program ay isang two-week mentorship program na may pag-aaral at pagsasanay sa dramatic writing para sa teatro. Ang Fellowship Program na ito ay bahagi ng Cultural Center sa pagnanais na turuan ang young aspiring playwrights. Binubuo ito ng lectures, script critiquing, writing sessions at interactions ng mga kilalang playwrights, directors at selected actors.

Ang 10 fellows na natanggap sa naturang program ay nasa pagtuturo ni Glenn Sevilla Mas, isang multi award-winning playwright, at mabibigyan ng access sa Virgin Labfest 15 plays at selected rehearsals bilang bahagi ng kanilang mentorship. Ang Fellowship Program ay magtatapos sa isang staged reading ng mga obra ng 10 fellows na idinirehe ni Dennis Marasigan sa July 7, 2019 sa CCP Bulwagang Amado Hernandez sa ganap na alas-6 ng gabi. Ang culminating program na ito ay libre at bukas sa publiko.

Ang Virgin Labfest 15 Writing Fellowship Program ay isang proyekto ng CCP Artist Training Division ng Arts Education Department.

Para sa katanungan, mag-email sa ccp.artist.training@gmail.com, o tumawag sa 832-1125 local 1605.

151

Related posts

Leave a Comment