Ang record-breaking na International Coastal Clean-Up ng SM Cares, nagbibigay daan para sa isang waste-free na future

23,000 volunteers ang nangolekta ng 135,000 kilo ng basura mula sa 15 SM malls.

Mahigit sa 23,000 volunteers mula sa iba’t ibang organisasyon at grupo sa buong bansa ang nakiisa kamakailan sa International Coastal Clean-Up (ICC) ngayong taon. Isa itong taunang programa na inorganisa ng SM kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), local government units (LGUs), at ang International Coastal Clean-up Organization, bilang bahagi ng kanilang pangako na itaguyod ang mas malinis na dagat at karagatan.

Taun-taon, hinihikayat ng ICC ang mga indibidwal na sumali sa pagkilos para sa mas malinis na dagat at karagatan. Na-iinspire nito ang libo-libong volunteers mula sa iba’t ibang sektor at komunidad kada taon upang tumulong sa pagpapanatiling malinis ng mga baybayin at waterways sa bansa.
Ang ICC ngayong taon ay naganap noong Setyembre 21, sabay-sabay sa 15 SM Supermalls sa buong bansa. Nakakuha ito ng participasyon ng 23,320 katao, at ito na ngayon ang pinakamalaking ICC event ng SM simula noong sumali sila noong 2015! Makikita sa baba ang mga SM Supermalls nationwide na nakiisa sa clean-up.

Mga empleyado ng SM City Bataan, pinagsusumigasig ang paglilinis ng mga barangay sa tabi ng Balanga Wetland and Nature Park.

Isang volunteer mula sa SM City Tuguegarao at SM Center Tuguegarao Downtown, naglilinis ng Cataggamanan Viejo.

Mga volunteer ng SM City Daet, nililinis ang Bagasbas Beach, para maging mas luntian at malinis ito.

Isang volunteer ng SM City Legazpi, tumutulong protektahan ang baybayin ng Legazpi Boulevard.

Mga volunteer ng SM City General Santos, nililinis ang Bauayan River.

Nagsama-sama ang mga SM executives at mga opisyal ng Pasay City para sa clean-up initiative sa SM by the Bay sa SM Mall of Asia Complex, para sa isang trash-free Manila Bay.

Mga volunteer ng SM City Mindpro, nililinis ang RT Lim Boulevard.

Nagsanib-pwersa ang mga volunteer ng SM City Cebu at SM Seaside City Cebu para linisin ang Kinalumsan River sa may South Road Properties (SRP).

Mga volunteer ng SM City Sorsogon, nagsagawa ng clean-up sa tabi ng pier site ng mga Barangay Talisay at Bitan-o.

Nagkaisa ang mga volunteer ng SM City Olongapo Central at SM City Olongapo Downtown para sa mas malinis na komunidad sa Kalaklan Parola.

Mga volunteer mula sa SM City Puerto Princesa ay tumulong linisin ang mga coastal barangays ng Puerto Princesa City Walk Bay.

Isang volunteer ng SM City Roxas, nag-ambag sa paglilinis ng Barangay Culasi, Roxas City sa Capiz.

Sa kabuuan, 135,000 kilo ng basura ang nakuha sa nagdaang event. Ito ay itatapon sa tamang lugar at pasilidad.

Sa pamamagitan ng ICC, binibigyang-diin ng SM ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng iba’t ibang stakeholders at ipinakikita ang kapangyarihan ng pagtutulungan para makapag-iwan ng positibong impact sa kapaligiran.

Ang SM Cares ay ang corporate social responsibility arm ng SM Supermalls.

Responsable sila sa mga programang nagsusulong ng sustainability at pagpapaunlad ng komunidad. Kabilang sa mga advocacy ng SM Cares ang mga programang para sa kababaihan at mga breastfeeding mothers, Persons with Disabilities, Senior Citizens, at Children and Youth, pati na rin ang Bike-Friendly SM initiative, dagdag pa sa kanilang mga Program on Environment.

Para matuto pa tungkol sa mga ito, pumunta sa https://www.smsupermalls.com/smcares.

182

Related posts

Leave a Comment