Marami sa mga lalaki ngayon ang ‘basta na lamang’ sa kanilang pagbibihis o pagporma. Ito ay dahil sa iniisip nila na sila ay mga lalaki at hindi naman kailangang maging “maarte”, magbihis pa o maging presentable. Pero ang totoo ay kailangan din nilang maging maayos sa pananamit dahil presentasyon din ito ng kanilang mga sarili habang humaharap sa iba. Tulad ng mga babae, may fashion tips din silang dapat sundin.
1. For sure may mga damit at accessories kang hindi mo naman talaga ginagamit pero nasa drawer, locker, o closet mo lang for years. Ang mga ito ay mabuti pang ipamigay mo na lang. Habang nakikita mo ng “beloved old favorites” mo ay iniisip mong marami ka pang gagamitin o isusuot, pero ang totoo ay ‘yon at ‘yon din naman.
2. Ikonsider ang pag-adjust ng mga damit kung kinakailangan. Baka kailangan nang baguhin ang size ng waistline nito lalo na kung nag-gain ka ng timbang or pwede mo rin naman palagyan ng garter sa ibang parte. Sometimes you need to alter some parts of your jeans, jackets, pants at iba pa na mas babagay sa iyo ang size at estilo.
3. Save your money and save your clothings. Huwag kang basta bili nang bili nang walang plano. Quality lasts longer than quantity, and you look better in it. Mag-invest ka sa mga damit o accessories na maayos at tatagal.
4. Consider other colors. Kahit pa lalaki ka, isipin mong there are more shoe colors than brown and black. Amininado tayo na colored leather and suede are fantastic shoe options, pero puwede mo rin naman i-try ang reds, blues, at grays. Huwag mong problemahin ang belt na iteterno mo rito dahil pupuwede naman na ang black belt sa gray shoes o brown sa oxblood red.
5. Tandaan palagi na trouser cuffs should “break” on the tops of your shoes. Ibig sabihin they rest very lightly on the leather itself. You shouln’t have a gap between your pants and your shoes.
6. Wear a necktie when you don’t have to. Wala lang. Just for fun. Maging creative ka lang sa paggamit nito na hindi ka magmumukhang bakya o baduy.
7. Also, always remember that gym shoes are for the gym. Ganoon din sa athletic socks.
8. Go read a book on style. Pwede rin ang magazine na something about fashion. Hindi naman porke lalaki ka ay babalewalain mo na ang estilo sa pananamit. Tandaan mo na sa pagdadamit – ikaw iyan at madalas nariyan din ang personality mo.
9. Ipares mo ang color ng iyong medyas sa color ng iyong trousers. Gawin mo iyan most of the time. When you want to be daring, wear a bright, contrasting color instead.
10. Most of the time you can go with one shirt. The rest of the time, have at least two presentable layers on top. Hindi mo alam baka biglaang kailanganin mong magpahiram sa babae – o sa crush mo – ng jacket.
10. Mag-invest ka sa pagkakaroon ng luggage and day bag. Ang mga ito ay part of your style.
11. Ask a friend to shop with you. Sales people are paid to sell you things whether they look good or not. Sa kaibigan, magiging tapat din naman iyan sa iyo so take a friend who will tell you to your face when you look like an idiot o magiging presentable ka.
12. Magkaroon ka ng relo na babagay sa business suit mo. Ang mga bagay na ganito ay dapat paglaanan mo ng pera para magkaroon ka. Iba pa rin na presentable ka lalo kung may kinalaman ito sa trabaho o special occasion.
13. Dahil hindi mo dapat balewalain ang fashion, understand contrast. It will help you get the right amount in your outfits. Kung wala kang idea rito, magbasa ng articles mula sa magazines o kahit mag-research ka sa Internet – huwag puro social media lang.
14. Own more shoes. Huwag kang makuntento sa isa dahil hindi naman iisang panahon lang mayroon sa buhay mo. How many pairs do you own? Just get some more and vary the styles. Shoes are the most underrated tools in a guy’s style arsenal.
15. Tandaan din: traditional light blue denim is a great color for jeans…if you’re building houses o magpupunta ka sa rancho o sa farm. Otherwise, get a dark indigo instead of light blue, or go with a different color entirely.
16. Take your measurements lalo na kung hindi mo ito kabisado. Kapag may extrang time ka, ilista mo lahat ng sukat mo mula sa undergarments, socks, pants o jeans, jacket, shoes, at iba pa. Ilista mo iyan kahit sa phone mo para kung nasa department store ka may idea ka sa bibilihin mo for your fashion style. Hindi rin naman kasi maganda na hindi akma ang size na kukunin mo. Laging tandaan na dapat fit lahat sa iyo – be it accessories o mga damit mismo.
17. Practice rolling up your shirtsleeves a bunch of different ways. May choices ka rito from liking a fat roll, thin one, tall, short, rumpled or crisp. Play around with it. Huwag mong i-underestimate iyan dahil nariyan pa rin ang estilo.
18. Wear presentable shoes. Kahit ano pa ang brand niyan, ang mahalaga ay malinis ang mga ito at dapat malinis kapag gagamitin mo. Turn off naman kung maalikabok, maputik (na para kang nagsaka), o marumi na para kang dumaan sa digmaan.
19. Put some product in your hair. Hindi shampoo o conditioner ang pinag-uusapan natin dito kundi ang hair products na pwede mong gamitin after mong maligo. Magagamit mo ito para mas presentable ka. You may try a different kind of product para malaman mo rin kung anu-ano ang hairstyle na pwede sa iyo.
20. Please, iron your clothes. Huwag ka naman lumabas ng bahay at dumiretso sa opisina o isang special event na gusut-gusot ang damit mo. Plantsahin mo rin kahit panyo pa iyan.
21. It’s best to consider this: don’t wear t-shirts with graphic on them…for anything that isn’t housework, a workout, or a rock concert. Ibagay mo rin naman. Upgrade to a solid-color tee, or another lightweight option like a Henley or polo. Iyan ang mga simpleng estilo na safe ka.
22. Wear jewelry. Siyempre (kahit) hindi araw-araw, and not always the same piece. But a ring here or a necklace there is great.
310