HEALTH AND BEAUTY: MGA GUIDE SA PAGPAPAGANDA

Huwag balewalain

MAKEUP EXPIRATION

Napakaraming mga babae ang gumagamit ng makeup para makadagdag sa kanilang ganda. Pero marami rin sa kanila ang basta na lamang ginagamit ito na walang pag-iingat, gaya ng hindi na inaalala kung ano ang expiration nito.

Mas limited ang shelf-life para sa eye-area cosmetics, ayon sa US Food and Drug Administration.

MAKEUPSa cosmetic type na nabanggit, mas paulit-ulit ang microbial exposure dito at mataas ang risk sa eye infections. Ayon sa ibang industry experts, palitan ang mascara matapos ang 3 months na paggamit. Kung tuyo na ang mascara, kahit wala pang tatlong buwan, ay itapon na ito. Hindi rin magandang dagdagan ito ng tubig o laway para mag-moist dahil mag-i-introduce lang ito ng bacteria sa product. Kapag nagkaroon ng eye infections magpakonsulta agad sa doktor at ihinto na ang paggamit ng eye-area cosmetics.

Isa pa sa madaling masira ay ang mga “all natural” products na maaaring may plant-derived substances na conducive sa microbial growth. Dapat ding ikonsidera ng consumers at manufacturers ang increased risk ng contamination sa products na may non-traditional preservatives, o ang no preservatives.

Ang expiration dates ay “rules of thumb” at maaaring masira ang produkto kahit bago pa umabot sa expiration date kung ang produkto ay hindi naitatago nang maayos. Kung produkto ay exposed sa high temperatures o sunlight, o nabuksan at naeksamin ng consumers prior sa final sale – ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng produkto.

Hindi rin advisable na magpahiram o manghiram ng makeup. Dito mataas ang contamination. Mag-ingat din sa mga ‘testers’ products sa market. May certain facial beauty products na pwedeng i-test sa kamay, kung saan maaaring mabura agad ito at hindi kapitan ng bacteria ang balat – bagay na dapat ikonsidera.

HAIR LOSS

Paano ito maiiwasan?

HAIR LOSSKapag numinipis ang buhok, talagang nakaaalarma ito na puwedeng ikapanot o tuluyan kang makalbo. May paraan ba para bumalik ito sa dati na gumaganda, at maging makapal?

First thing is, dapat malaman kung ano ang sanhi o mga sanhi kung bakit mo nararanasan ang pagkanipis ng buhok o pagkalagas nito. Baka kasi dahil kapapanganak mo pa lamang. Maaari ring ito ay dahil sa thyroid condition. See a doctor if you think it is thyroid related.

If you just gave birth, your pregnancy could have something to do with it. Sa pagbubuntis kasi ay maaaring maraming nutrisyon ang mawala sa katawan ng isang babae, and the first casualty is your hair. Healthy body, means healthy hair.

Stress can also cause falling, thinning hair. Ang ganitong sitwasyon ay hindi dapat bale-walain dahil iba’t iba ang dulot ng stress sa bawat tao – na maaaring mas malala kaysa sa iba.

Kapag ganito na ang nararanasan na may pagkalagas na ng buhok at parang mas lumalala ito subukan ang payong ito. Drink these supplements for your hair- folic acid, biotin, vitamin C (from citrus fruits) to help in keratin production, Vitamin A ( from carrots, spinach) to help your scalp healthy. Vitamin B to prevent more hair loss, and iron for healthy blood supply.

Pwede ring ang hair products ang mayroong masamang epekto sa iyo. Kaya, limit washing hair to every other day. Try not to do too much blow drying.

Stop chemical processes to your hair like hair color or rebonding. All chemical/heat process affects the health of your hair.

Isa pang pwedeng maging solusyon sa pagkalagas ng buhok ay dahil baka sa iyong hairstyle.

Cut your hair short. Thinning hair is less noticeable if you have short hairstyle.

Massage hair with coconut oil.

Do this yogurt hair mask – 1 egg white, 2 tbsp plain yogurt, 3 tbsp mayo. Mix all to create a paste and massage in hair and put plastic Saran Wrap over it. Rinse after 10 minutes.

Ang iba pang good hair mask ay tulad ng olive oil, aloe vera, and coconut milk o gata ng niyog.

Tamang pag-aalaga sa

DRY CURLY HAIR

DRY CURLY HAIRKadalasang dry ang mga kulot na buhok.

Hirap kasing makababa ang natural oil na bumaba hanggang sa dulo ng buhok dahil nga ito’y kulot.

Para maiwasan ang pagka-dry ng curly hair, sundin ang ilang tips na ito:

> Basain ang buhok gamit ang malamig o maligamgam na tubig. Siguraduhing mababasa rin ang dulo ng buhok.

> Maglagay ng conditioner at unang lagyan ang dulong bahagi ng buhok. Mas maganda kung ang gagamiting hair product ay para sa dry or dry curly hair. Isunod ang anit. Iwasang makuskos ang bandang anit.

> Habang nakababad pa ang conditioner, gumamit ng suklay na may malala¬king ngipin at banayad na suklayin ang buhok mula sa dulo nito.

> I-massage ang anit upang maiwasan ang unwanted oil o ang pagbuo ng dandruff na kadalasang sanhi ng dry hair

> Banlawan ang buhok gamit ang malamig na tubig.

> Patuyuin ang buhok gamit ang towel.

> Maglagay ng kaunting amount ng serum mula sa dulo pataas. Iwasang malag-yan ang anit.

> Hayaang matuyo ang buhok naturally.

214

Related posts

Leave a Comment