IBA’T IBANG KATAWAGAN SA MGA PUTAHE

PUTAHE-1

Pagkain nila, pagkain mo rin

Tayong mga Pinoy, bagama’t likas na mahilig kumain ay marami talaga sa atin ang kain lang nang kain pero hindi alam kung anong ang mga putaheng isinusubo. At nakatutuwa rin namang malaman na maliban dito, may mga pagkain tayo na alam natin pero iba lang ang katawagan nito sa ibang mga lugar sa bansa.

Tuklasin natin ang ilan sa mga pagkaing kahawig o katulad ng ibang mga pagkain sa ibang lugar sa Pilipinas at ito ay gaya ng mga sumusunod.

KinilnatKinilnat – Bagama’t payak, ito ay popular na pagkain ng mga taga-Norte partikular sa mga Ilocano. Sa taga-Maynila ang tawag dito ay ensalada. Ang mga lahok nito ay mga talbos ng kamote, dahon ng ampalaya, sibuyas, kamatis, luya at sili (haba man o labuyo). Sa karaniwang salad, ang ginagamit ay mayonnaise pero rito sa kinilnat ay patis ang hinahalo o kaya naman ay bagoong isda habang sa iba ang ginagamit dito ay calamansi juice. May iba rin namang gumagamit ng suka, o nilutong tamarind extract.

Ang simpleng ensaladang ito ay ulam na para sa Ilocos region. May iba rin na isinasabay ito sa anumang pritong isda dahil napakasarap naman talagang kapartner ito ng kinilnat.

Inasal – Ang salitang inasal ay mula sa salitang Ilonggo na ang ibig sabihin ay karneng inihaw sa uling. Sinasabi ring ang inasal ay hango rin sa salitang Kastila na “asar” na ang ibig sabihin ay ihawin. Sa mga taga-Maynila ang tawag lang dito ay inihaw pero siyempre iba rin naman talaga ang lasa ng inasal ng mga Ilonggo. Sa Bacolod mas popular na pagkain dito ang inasal bilang mga manok o baboy pero mas kilala bilang manok lamang. Karaniwang sawsawan nito ay mantikang may atsuete, kalamansi, bawang at paminta.

BulanglangBulanglang – Kakaibang tawag ang pagkaing ito ng Tagalog pero hawig ito sa pagkaing ng Leyte na lawot-lawot habang ito naman ay laswa sa Negros. Ito ay mga gulay na pinakuluan pero sa Pampanga ang bulanglang ay sinigang sa bayabas. Ang mga gulay na lahok dito ay iba-iba rin tulad ng bulaklak ng kalabasa, okra, talong, sigarilyas at iba pa.

Sinukmani – Ito ay isang uri ng kakanin sa Southern Luzon lalo na sa Laguna. Sa mga taga-Maynila ito ay tinatawag na biko. Ang pinakasangkap nito ay malagkit na bigas, kakang gata, at asukal.

602

Related posts

Leave a Comment