Maraming nag-aakala na sa pagsusuot ng bra sa pagtulog ay naiiwasan maging sag ang boobs. Pero mas malaki ang masamang epekto ng pagsusuot nito sa gabi habang natutulog.
Ang katawan natin lalo na sa upper part ay dapat may mga oras din na hindi nakakaramdam ng pressure mula sa damit o sa undergarment na sinusuot.
SLOWS UP CIRCULATION
Hindi nagiging maayos ang blood circulation habang natutulog kapag nakasuot pa rin ng bra. Mas matindi rin ang epekto nito kapag ang bra ay may underwire. Habang natutulog ay humihigpit ang kapit ng bra sa balat kaya’t mas nahihirapan makagalaw din ang pectoral muscles o muscles sa ating chest wall. Ito ang nagiging daan para hindi maging normal ang daloy ng dugo sa ugat na nasa inyong mga braso at iba pang bahagi ng katawan.
HINDI NORMAL ANG PAHINGA
Hindi nagiging normal ang pahinga sa gabi habang suot ang bra dahil masikip ito at naroon ang pakiramdam na istorbo ito lalo kung may wire o kahit pa silicone ang bra na inyong gamit. Hindi rin normal ang paghinga lalo kung sobrang sikip ng bra. Dapat lahat tayo ay magkaroon ng quality sleep sa gabi para maging productive sa buong araw.
MAI-IRRITATE ANG BALAT
Ang isa pa sa pinakaepekto ng pagsusuot ng bra sa oras ng pagtulog ay ang iritasyong maibibigay nito sa balat. Ang hooks at straps ng bra ay magiging sanhi para gumasgas ito sa balat dahil nagkakaroon din ng friction dito – against sa bed at sa skin kaya ang resulta ay skin irritation at skin lesion o sugat at pwede ring magpaltos.
PRONE SA SKIN DISCOLORATION
Posibleng mag-iba ang kulay ng balat sa pagsusuot ng bra sa pagtulog dahil nakikiskis ang balat sa straps at hooks nito, dahilan para magkaroon ng friction at magresulta sa pangingitim ng balat.
MAGDADALA NG FUNGAL INFECTION SA BALAT
Kapag suot-suot pa rin ang bra hanggang sa pagtulog ay nawawalan ng freedom ang dibdib na makahinga lalo sa gabi. Kahit tulog tayo ay posible tayong pawisan na hindi natin namamalayan. Ang pawis na ito ay mabababad sa balat para mairita ito at pwedeng pagsimulan ng fungal infection. Pinamamahayan kasi ng fungus ang warm at moist. Mas dapat iwasan ang pagsuot ng bra sa gabi lalo na kung mainit ang lugar na inyong tinirahan o tinutulugan.
NAKAKAAAPEKTO SA PHYSIOLOGY O GALAW NG DIBDIB
Ang pagsusuot ng bra sa gabi habang nasa higaan, lalung-lalo na kung ito ay masikip, nakakabit at underwire, ay may negatibong epekto ito sa lymphatic system. Maaari itong makahadlang sa daloy ng dugo at sa lymphatic drainage na nagreresulta sa pagpapanatili ng fluid at teribleng pamamaga o chronic inflammation. Ang lymphatic system ay tumutulong para matanggal ang mga toxin mula sa breast area sa pamamagitan ng mga lymph node na nasa kilikili. Samakatuwid, kapag hindi normal ang galaw ng lymphatic drainage ay napiipigilan ang paglabas ng mga toxin mula sa katawan. Maaaring magresulta ito sa edema, discomfort at chronic inflammation ng dibdib.
PAGSUOT NG TAMANG BRA
Minsan, kahit sa pagsuot na lamang ng bra ay nagiging kumplikado pa ito lalo na sa ibang babae na walang tamang kaalaman dito.
Dapat properly fitted ang bra para hindi maka-experience ng discomfort.
Hindi fit ang bra kung masikip at hindi normal ang iyong paghinga.
Kapag nakakaramdam na may matalas o may tumutusuk-tusok, iyan na marahil ang discomfort dala ng wire o hooks ng bra na inyong suot.
Bukod sa size ng bra, mahalaga ring malaman ang breast shapes. Gaya halimbawa kung ikaw ay may east-west o side set breasts that point outwards or have ample space between them, hindi tamang magsuot ng underwire bra. Ang dapat dito ay shorter wire lamang that stops underneath the breast, instead of encircling it.
Siguraduhin din na maayos pa ang kondisyon ng bra para hindi naman uncomfortable itong gamitin. Kailangang may proper fit ito lalo na sa straps para hindi magdala ng kahihiyan kung ikaw ay naka-sleeveless o may tamang kapit ang strapless bra para sa halter blouse.
May pagkakataon din na hindi naman “bacon” ang straps ng bra pero nahuhulog ito. Kapag ganito ang senaryo, posibleng narrow o sloped lang ang shoulders mo. Ang dapat mong suotin ay plunge bra or a racerback bra.
Mag-invest din sa two to three neutral-toned T-shirt bras — whatever is closest sa kulay ng iyong balat. Magdagdag din dito ng black or colored t-shirt bra. Kailangan mo rin ng isang nude at black strapless set, and a nice lounge bra or bralette for comfy moments. So seven bras iyan total.
Sa pagsuot din ng tamang bra, iwasan na makita ito o ma-expose sa main garment mo. Hindi dapat naka-expose ang straps nito o hindi dapat maging halata ito.
1574