Kain Na! ng DOT magsisimula na!

KAIN NA

Ang Kain Na!, ay isang proyekto ng Department of Tourism’s (DOT) hinggil sa food and travel festival na nagbabalik para sa taong ito para i-promote ang culinary at farm tourism.

Inorganisa sa pakikipagtulungan ng Ayala Malls, ang Kain Na! ay magaganap sa iba’t ibang lungsod sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang unang event na magaganap ngayong taon ay gaganapin mula bukas, Setyembre 27-29 sa Ayala Malls Manila Bay, Macalagay Blvd., sa Pa­rañaque City. Itatampok dito ang iba’t ibang food and farm tourism offerings ng Central Luzon, CALABARZON, Bicol, Bacolod, Eastern Visayas, Cagayan de Oro at ng Davao region.

“We are very excited to hold this year’s Kain Na! events in the weeks to come, as we already tasted success when we launched the program last year,” ani DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Noong nakaraang taon, ang okasyong ito ay nagtagumpay sa dami ng mga nagsidalo – international and domestic food enthusiasts.

Sa taong ito, highlight ang isang food and farmer’s market kung saan ang suppliers ng iconic Filipino heri­tage cuisine at delicacies ay magbebenta ng kanilang produkto kasama ang local farms na magbebenta naman ng kanilang iba’t ibang mga sariwang agricultural products. Magkakaroon din dito ng culinary at farm tourism presentations para sa mga dadalo.

Samantala ang iba pang susunod na Kain Na! editions ay magaganap sa Oktubre 4-6 sa Alabang Town Center (ATC), Muntinlupa City, sa pakikiisa ng Regions 7 (Central Visayas) at 4B (MIMAROPA); sa Oktubre 11-13 sa Ayala Technohub-Baguio, kasama ang Regions 1 (Ilocos), 2 (Cagayan Valley) at ng Cordillera Administrative Region (CAR); sa Nobyembre 22-24 sa Ayala Malls Centrio, Cagayan de Oro, kasama ang Regions 9 (Zamboanga Pe­ninsula), 10 (Northern Mindanao), 12 (SOCCSKSARGEN), at 13 (Caraga); at sa Disyembre 6-8 sa Ayala Malls, The Strip, Iloilo City, kasama ang Region 6 (Western Visayas).

149

Related posts

Leave a Comment