Para sa mga mommy, mahalagang may opsyon o diskarte tayo sa pagmamantina ng kaayusan at kalinisan ng bahay.
Sa loob ng ating pamamahay, mga gamit dito lalo na mula sa kusina bilang altenatibong solusyon sa paglilinis ng parte ng bahay o anumang kagamitan. Maganda ring malaman na ang opsyon na ito ay magagamit din bilang pampaganda o pagmantina rin sa ating kalusugan.
Ang isang powerful na regular na ginagamit sa kusina ay ang suka. Ngunit may iba’t ibang uri ng suka para sa iba’t ibang gamit, pero sa ngayon ay tututok tayo sa benepisyo ng apple cider vinegar.
Ang apple cider vinegar ay may kamahalan kumpara sa karaniwang sukang ginagamit natin sa kusina pero ito ang pinakapopular na uri ng suka sa natural health community. Ito ay may taglay na mga benepisyo na inyong maaasahan.
MGA GAMIT NG APPLE CIDER VINEGAR:
A. Pampababa ng blood sugar
Malaking tulong ang apple cider vinegar sa pagkontrol ng sugar le-vels ng mga taong may sakit na diabetes.
Sinasabi sa pag-aaral na ang pagkonsumo ng suka matapos ang high-carb meal ay malaking tulong upang ma-improve ang insulin sensitivity by as much as 34% at nakaka-reduce ito ng blood sugar le¬vels significantly. Kailangan lang na may pag-iingat dito. Ito ay dahil kung ikaw ay may tini-take nang medication para sa iyong sakit na diabetes, kailangang magpasuri ka muna sa iyong doktor bago ka gu-mamit ng apple cider vinegar.
B. Magbibigay ito ng pakiramdam na ikaw ay busog
Kung ikaw ay nagda-diet, malaking tulong sa iyo ang apple cider vinegar. Karaniwang kasing nirerekomenda ito sa pagbabawas ng timbang dahil nagbibigay ito ng pakiramdam na ikaw ay busog.
Sa isinagawang short-term studies noon, ang pagkonsumo ng produktong ito ay iba ang nagagawa – napapakain ka lamang ng kaunting calories, nagpapabawas ng timbang at taba sa tiyan.
Samantala sa long-term effects sa weight loss ay hindi pa ito nalalaman, at maliit lamang ang benepisyo maliban na lamang kung nababago ang dietary and lifestyle ng isang tao.
C. Tulong para mapreserba ang mga pagkain
Tulad din ng ibang mga suka, ang apple cider vinegar ay epektibo ring gamitin bilang preservative.
Noon pa man ay ginagamit na ng mga tao ang suka bilang pickling agent para maging preservatives at napatunayan na iyan sa napakahabang panahon.
May preservation dahil kapag ang pagkain ay may suka ito ay mas nagiging acidic, na nagde-deactivate sa enzymes at pumapatay sa bacteria na nasa mga pagkain na nagiging daan naman para masira ang mga pagkain.
D. Gamit bilang deodorizer
May antibacterial properties ang apple cider vinegar. Kaya naman, palagi rin itong inirerekomenda bilang pantanggal ng masamang amoy, amoy ng mga plastic na baunan halimbawa, mga malalansang lagayan at iba pa. Ihalo lamang ang kaunting apple cider vinegar sa tubig para maging deodorizing spray.
Kung wala kang natural alternative ito ang pamalit para mayroon kang odor neutralizers.
Pwede ring ihalo ito sa tubig na may Epsom salts para maging foot soak. Dito siguradong tanggal ang masamang amoy ng inyong mga paa dahil napapatay ng vinegar ang odor-causing bacteria.
E. Mahusay bilang salad vinaigrette
Mahusay ang apple cider vinegar bilang simpleng salad dressing.
Mas mura ito at healty bilang homemade salad dressings at mas masarap.
F. Pampababa ito ng peligro sa pagkakaroon ng cancer
Kadalasang kini-claim na ang apple cider vinegar ay nagpapababa sa peligro ng pagkakaroon ng cancer.
Sa isinagawang test-tube studies, ang suka ay napatunayang pumapatay ng cancer cells.
Sa ibang observational studies, na walang proof ng causation, ito ay nagsasabi na ang pagkonsumo ng apple cider vinegar ay nakitaan ng pagbaba sa peligrong dala ng esophageal cancer. Ngunit sa ibang pag-aaral, ang pagkonsumo ng sukang ito ay may pagtaas sa peligro sa pagkakaroon naman ng bladder cancer.
G. Mahusay na all-purpose cleaner
Popular choice ang para sa natural alternative para sa commercial cleaning agents ito ay dahil sa antibacterial properties nito.
Maghalo lamang ng 1 cup ng tubig sa kalahating tasang apple cider vinegar, at voila may natural ka nang all-purpose cleaner.
Pero kung ang lilinisan mo ay may sandamakmak na harmful bacteria mas kailangan ninyo pa rin ang efficacy ng commercial cleaning agents.
H. Mahusay kontra sore throat
Isang popular home remedy ang apple cider vinegar para sa sore throats.
Sinasabing ang antibacterial properties sa sukang ito ay nakapapatay ng bacteria na siyang dahilan ng problema. Kung gusto ninyong subukan ang remedyong dulot nito, maghalo lamang ng kaunting sukang nito sa tubig bago gawing pangmumog.
Acidic ang suka na tulong para sa pakiramdam na napapaso ang lalamunan.
I. Gamit bilang isang facial toner
Anecdotally, ang apple cider vinegar ay sinasabing remedy rin para sa skin conditions at nakababawas sa pagtanda ng balat.
Ang general recipe rito ay 1 part apple cider vinegar sa 2 parts ng tubig. Pagkatapos ay ipahid ito sa balat gamit ang bulak o cotton pad. Kung may sensitive skin ka, mas maiging gumamit ng mas maraming diluted solution.
J. Tumatayo bilang trap sa fruit flies
Ang fruit flies at maaaring maging peste kaya naman ang sukang ito ay tinatawag ding cheap fruit fly trap.
Maglagay ng apple cider vinegar sa isang cup, maglagay ng kaunting patak ng dish soap (para ang mata-trap na flies ay malulunod).
K. Tulong para mas madaling malaga ang mga itlog
Ang pagdagdag ng sukang ito sa kumukulong tubig ay nakatutulong para maging maayos ang paglaga ng itlog. Ito ay dahil ang protein sa egg whites ay mas nagiging matigas nang mas mabilis kapag ito ay exposed sa mas acidic na liquid gaya ng tubig.
L. Panlinis ng mga prutas at mga gulay
Ang mga pesticide residue na nasa mga prutas at mga gulay ay laging concerned ng mga tao. Ito ay dahil mahirap kasing hugasan nang todo ang mga prutas. Kaya ang isang opsyon dito ay ang paghuhugas ng mga ito sa isang palangganang may tubig na may halong apple cider vinegar.
Sa pag-alis ng mga gulay at prutas sa palanggana, clear man ang maiiwang tubig ay siguradong tanggal na ang pesticide residue rito. Ito ay kumpara sa paggamit ng nakaugaliang paghuhugas lamang sa tubig.
Sa apple cider vinegar napapatay nito ang dangerous bacteria sa pagkain tulad ng E. coli at Salmonella .
M. Panlinis ng dentures
Magagamit din ang apple cider vinegar para sa paglilinis ng dentures. Nalilinis kasi ng sukang ito ang mga residue na naiiwan dahil sa pagkain.
627