PAGTITIPID SA BAGONG TAON

Pagtitipid-4

Tips sa pamimili

Nakaraos na tayo sa selebrasyon ng Pasko at heto naman tayo sa pag-harap sa Bagong Taon.

Anu-ano ba ang mga paraan para makatipid tayo sa ating pamimili para mairaos naman natin ang pagpalit ng taon?

Sundin lamang ang mga sumusunod na tips na ito na ating magagamit sa tuwing tayo ay mamimili kahit hindi lamang sa panahong ito kundi sa mga susunod pang mga buwan o taon:

Ito ang grocery tips na magiging gabay sa tipid na pamimili:

– Ugaliing magkaroon lagi ng shopping list para makita lamang kung ano ang kailangang bilihin at gastusin na pasok sa inyong budget.

– Dapat ay nakahanda na rin ang listahan ng mga kakainin sa buong linggo para malaman kung ano talagang items lang ang kailangang bilihin.

– Bago umalis, itsek muna ang cabinets o pantry sa items na mayroon pa para ang mabili na lamang ay ang mga kulang o ubos ng items. Itsek din ang refrigerator mula freezer hanggang crisper para malaman kung ano ang mga ubos nang items.

– Pumunta lamang sa stores na malapit sa inyo at siguradu-hing mura rin ang items na tinitinda rito.

– Bago mamili ng mga pagkain, mainam na kumain muna sa bahay upang makatipid sa gastos. Pakainin din ang mga batang sasama sa inyo. Kapag gutom kasing pupunta sa grocery o supermarkets ay naroon ang temptation na bumili ng mas marami na wala naman sa listahan tulad ng items na may sugar tulad ng ice cream, goat cheese, o desserts.

– Malaking tipid ding magtu-ngo sa stores sa oras na wala ang mga bata o sila ay nasa school. Dito makaiiwas ng mga bibilhin mula sa pagtuturo ng mga bata kung sila ay isasama pa sa pamimili.

– Ikonsidera ang saving cards, coupons, o discount cards para lalong makatipid sa gastos.

– Bilihin lamang ang mga pagkain na plano ninyong kainin.

– Mas maiging bumili at hindi nakataon sa peak hours o hindi mataong oras sa pagpunta sa grocery o supermarket. Ang tendency kasi kapag maraming tao ay natataranta at kung ano na lamang ang basta dadamputing items na wala naman sa listahan o hindi naman kailangan. At kung mahaba ang pila ay naroon ang tendency na mapabili pa ng items habang naghihintay – mas tuma-tagal, mas napapagastos.

– Sa pagtitipid at kung talagang hindi naman marami ang bibilihin, mas maiging kumuha na lamang ng basket na nasa small cart. Sa paraang ito ay ang iisipin na lamang bilihin ay ang mga kailangan at hindi parang maoobliga pang punuin ang lagayan dahil maliit lamang ito.

– Kung bibilili ng karne o isda gawin ito nang maramihan dahil tatagal naman ito sa inyong freezer lalo na kung makagagawa rito ng ilang mga putahe. Siguraduhin lamang na sariwa ang inyong mga mabibili at malinis na mailalagay sa freezer para manatilling fresh pa rin ito. Maging partikular sa mga kulay ng karne o isda, at maging sa mga amoy nito o itsura para masigurong fresh ang inyong mga kakainin.

– Kung bibili ng mga gulay o prutas, siguraduhing fresh din ito. Kung bibili ng mga nahiwa nang mga gulay na nasa lalagyan at naka-cling wrap, siguraduhing makokonsumo agad ito. Karaniwan kasing hindi na fresh ang mga ito o may mga sira na kaya mapapansin ding mas mura kumpara sa talagang sariwang uri nito. Kung ang bibilihing mga gulay o prutas ay hindi naman o wala sa planong kainin ay masisira lamang ito sa refrigerator. Ang kapanghinayangan ay hindi lang dahil nasira ang items dahil sayang lang din ang perang ipinambili rito. Tandaan na ang mga madaling masirang items ay togue, kangkong, malunggay o iba pang madahong gulay, pipinong mga hiwa nang nabili, at iba pa.

– Ikonsidera rin ang pagbili ng frozen items kabilang ang frozen veggies.

– Sa mga bibilihin mga kamatis, kalamansi, mangga, oranges, at iba pa, siguraduhing may variants nito na hinog at maniba o medyo hilaw pa. Ang mga hinog ay ang mga dapat maunang gamitin o unang nakaplanong kakainin o isasama sa lutuin.

– Iwasang bumili ng items na naka-vacuum seal o naka-cling wrap dahil karaniwang hindi na fresh ito o hindi kaya ay may mga damage na kaya madalas ay on sale rin ang mga ito at mapapansin ding mas mababa ang presyo. Pero dahil mura, marami rin ang nabili. Siguraduhin lamang na makokonsumo agad ito kung bibilihin.

– Maging maingat din sa discounted items dahil karaniwang malapit na itong masira o ma-expire lalo na sa mga pagkain man ng tao o ng mga pet. Maaari rin itong may damage na, o kulang na sa piraso o dami.

– Para masigurong fresh ang bibilihing tinapay mula sa grocery stores o supermarkets, kunin ito mula sa pinakahulihan o likurang bahagi ng shelf. Mapapansin na ang expiration date ng mga ito ay mas matagal dahil mas fresh ang mga ito kumpara sa mga tinapay na nasa harapan o unahan ng shelf.

– Piliin din ang generic brands or items. Mapapansin na maganda rin ang kalidad nito ngunit mura kumpara sa branded at mahal na items. Mura ang mga generic brands na pagkain dahil hindi naman sila nag-focus sa brand awareness, advertising o marketing campaigns.

– Dapat ay may alam kayo sa dates na nakalagay sa items na inyong mga bibilihin tulad ng best by, sell by, at use by dates. Alamin ang mga sumusunod:

Best By – ito ay mga recommendations lamang at walang kinalaman sa safety: dahil sinasabi nito na ang lasa o texture ng item ay maaaring mag-iba ngunit ligtas pa ring kainin.

Sell By – ang dates na narito ay kung hanggang kailan gustong idi-display ng tindahan ang items. Hindi ito safety indicator, dahil pupuwede pa o okay pa kahit makalipas ng ilang araw (o ilang linggo) matapos na mabili ito.

Use By – ito lamang ang safety designation at nagsasabing ang products ay hindi na safe matapos ang date na nakalista.

– Maging matalino sa pagbili ng items na nasa sachet o nasa malaking lagayan o maramihan. Madalas ang inaakalang pagtiti-pid sa items na sachet ay mas mahal pa kumpara kung bibilihin ito na nasa container o maramihang laman. Isiping sa items na nasa sachet, ang binabayaran din dito ay ang lagayan nito ngunit mas kaunti lang ang laman.

– Iwasan din ang mga pagkain delata na discounted na. Karaniwang malapit na itong ma-expire o may mga yupi na. Tandaan na ang canned goods na may dents na ay hindi na rin safe na kainin. Kapag may dents na ang lata ay may leak na ito at ang chemicals na nasa lata ay nahahalo sa pagkaing narito.

– Sa mga lulutuing pagkain, unahin ang madaling masirang items na binili. Magluto rin ng maramihan at magtabi na nito sa refrigerator o freezer para sa susunod na meal o araw.

– Ikonsidera rin ang mga freebies na ipinamimigay sa grocery stores o supermarkets. Huwag ding palampasin ang mga free taste para magkaroon kayo ng idea kung masarap ang items na ito at may option sa tamang pagbili.

– Iwasang bumili ng junk foods o mga pagkaing walang nutrisyon at napakataas sa dami ng asin. Ito ay dahil malaki kasi ang tsansa na magkasakit lamang mula rito at dagdag gastusin kung maospital pa.

– Maging masuri rin sa counter at alamin kung tama ang item na nai-scan para maiwasan ang mis-priced items o ano pa man.

408

Related posts

Leave a Comment