‘Baka nakawin lang’ DAGDAG FLOOD CONTROL BUDGET PINATATABLA

TIYAK na nanakawin lang ang hinihingi umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na karagdagang flood control projects matapos ang pananalasa ng magkakasunod na bagyo na puminsala sa mga proyektong ito lalo na sa Bicol region. Ito ang ikinababahala ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel kaya hiniling nito sa Senado na imbes na dagdagan ang flood control projects ay dapat gamitin ang pondo sa loss recovery, agrikultura at industrial productivity, climate adaptation at quick response disaster preparedness. “If we follow Marcos, Jr.’s call to increase the flood control infrastructure budget,…

Read More

2028 presidential bets survey VP SARA, 24%; SPEAKER MARTIN, 1%

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SI Vice President Sara Duterte pa rin ang nangunguna sa listahan ng mga posibleng tumakbo sa susunod na presidential election, base sa resulta ng survey ng isang public opinion firm na inilabas nitong Lunes. Ayon sa survey ng WR Numero, si VP Sara ang pinili ng 24% na tinanong kung “sino ang iboboto nilang presidente kung gaganapin ang eleksyon ngayon”. Nasa dulo naman ng listahan si House Speaker Martin Romualdez na nakakuha lamang ng isang porsiyento. Pumangalawa si dating vice president Leni Robredo na nakakuha ng…

Read More

“MARY GRACE PIATTOS” NASA LOOB LANG NG OVP?

ISASAILALIM sa pagsusuri ang penmanship ng malalapit na tauhan ni Vice President Sara Duterte sa Office of the Vice President (OVP) para malaman kung isa sa kanila ang hinahanap na “Mary Grace Piattos”. Napag-alaman ito sa chair ng nasabing komite na si Manila Rep. Joel Chua sa press conference kahapon, kaugnay sa kaso ng “Mary Grace Piattos” na may P1 million pabuya sa makapagbibigay na impormasyon at makapagtuturo kung saan ito matatagpuan. “Kino-consider na rin po namin sa mga penmanship (ng mga taga-OVP) para mai-submit sa mga expert,” ani Chua.…

Read More

Paalala sa mga nasa gobyerno CHRISTMAS PARTY SIMPLEHAN LANG

(CHRISTIAN DALE) HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na iwasan ang marangyang pagdiriwang ngayong Pasko bilang pakikiisa na rin sa libo-libong Pilipino na nagdurusa dahil sa sunod-sunod na bigwas ng bagyo sa bansa. Sa isang kalatas, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na walang dahilan para magpalabas pa ng kautusan dahil naniniwala at nagtitiwala sila sa kabutihan ng government workers na “can unilaterally adopt austerity in their celebration.” “Alinsunod sa panawagan ng ating Pangulo, hinihikayat namin ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na iwasan…

Read More

P750-M IMPRASTRAKTURA, P40-M POWER SUPPLY NAWASAK SA 4 BAGYO

UMAASA ang National Risk Reduction and Management Council na gaganda na ang panahon hanggang sa susunod na linggo, ayon sa pagtataya ng state weather bureau, kaya agad naglunsad ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) ang Office of Civil Defense (OCD) sa apektadong mga lugar at rehiyon na dinaanan ng Super typhoon Pepito, ang panghuli sa hilera ng apat na bagyo tumama sa Luzon. Ayon sa PAGASA, posibleng gumanda na ang panahon hanggang sa susunod na linggo bagama’t may posibilidad na isa hanggang dalawang sama ng panahon ang tatama…

Read More

OBRERO TIMBOG SA STATUTORY RAPE

ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District sa General Trias City, Cavite noong Lunes ng hapon ang isang 33-anyos na construction worker na suspek sa statutory rape. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel John Guiagui, chief ng District Investigation Division II (DID), ang suspek na si alyas “Valentine Jr.”, ng nasabing lugar. Base sa report ni Police Master Sergeant Jervy Aguilar, dakong alas-2:40 ng hapon nang damputin ang suspek sa nabanggit na lugar dahil sa kasong statutory rape. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni…

Read More

2 HVIs ARESTADO SA BUY-BUST

CAVITE – Tinatayang halos kalahating milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa dalawang umano’y tulak na kapwa high value individuals (HVIs) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Silang noong Lunes ng hapon. Kinilala ang dalawang naaresto na sina alyas “Ed John” at “Ryan”, kapwa nasa listahan ng HVIs ng pulisya. Ayon sa ulat, bandang alas-5:00 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) Cavite Police Provincial Office (PPO) at mga operatiba ng Silang Municipal Police, sa Brgy. Bulihan, Silang,…

Read More

TUMATAWID SA KALSADA, PATAY SA BUNDOL

CAVITE – Hindi umabot nang buhay sa ospital ang isang lalaki nang masagasaan ng isang babaeng driver ng isang Toyota Fortuner habang tumatawid sa bayan ng Silang noong Lunes ng hapon. Isinugod pa sa Carsigma Hospital ang biktimang si John Cyrus Catarungan y Pugoy subalit idineklarang dead on arrival dahil sa malalang sugat sa ulo at katawan. Kinilala naman ang driver ng Toyota Fortuner na may plakang NHM 52433, na si alyas “Nina”. Ayon sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang mangyari ang insidente habang minamaneho ng suspek ang kanyang…

Read More

LALAKI NATABUNAN NG LUPA SA QUARRY SITE

QUEZON – Patay ang isang quarry worker nang matabunan ng gumuhong lupa sa quarry site sa bayan ng Tagkawayan noong Sabado. Kinilala ang biktimang si Ramil Garing Hernandez, 48-anyos, residente ng Brgy. Mapulot. Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng umaga noong Sabado, kasama ang kapatid nito at isa pang katrabaho, nakatayo ang mga ito sa gilid ng tinitibag na bundok sa Sityo Labak, Barangay Mapulot, nang biglang gumuho ang lupa na nasa humigit kumulang 30 feet ang taas at natabunan ang biktima. Agad itong ni-rescue ng mga kasama…

Read More