PANAHON NANG MAG-IPON

MAG-IPON-1

(Ni ANN ESTERNON)

SUMAMPA na tayo sa buwan ng Oktubre, ikalawang buwan sa pagpasok ng “Ber” months.

May mahabang panahon pa tayo para makapag-ipon ng pera para bago ang mismong araw ng Pasko ay may naihanda na tayong pambili ng mga pagkain para sa pagsasaluhang Noche Buena o Media Noche.

IPON PARA SA PANREGALO

Sa pag-iipon, isama sa mga maitatabing pera ang inyong mga panregalo – ito man ay pera o mga iba’t ibang bagay na alam ninyong magugustuhan pero hindi naman tatapyas ng malaking budget.

Laging tandaan na para makaipon, kailangang magkaroon tayo ng goal o kaya’y magkaroon ng paglalaanan.

Kung marami tayong mga inaanak sa binyag, kumpil, o kasal maiging ngayon pa lamang ay mag-ipon na para magkaroon ng sapat na pondo para mabigyan ang mga inaanak. Iba pa siyempre ang mga kaibigan at kaanak.

MAG-IPON-2Ikonsidera rin na ang mga naipong pera ay magamit nang tama. Mas maiging bumili sa mga on sale o discounted price ng items.

Maaari rin namang ikonsidera na kapag may nakitang sale ngayon ay bilihin na agad ito. Siguraduhin lamang na talagang makakamenos at may taong tamang pagbibigyan ng items na inyong natipuhan.

Mahalagang maitanong din sa ating mga sarili kung kailangan nating bumili ng kumpletong regalo para sa mga pagbibigyan. Maaari nating pagbasehan ang mga ugali, closeness sa kanila, at iba pa bago natin sila bigyan ng mga regalo.

Sa puntong ito, kailangan sa tamang tao rin naman mapunta ang ating mga regalo – doon lamang sa mga karapat-dapat. Dito naaaplay din ang maging sentimental spender.

Isipin din na hindi rin naman kailangang kumpletuhin ang mga regalo dahil ang mahalaga naman ay ang diwa na naalala mo ang taong pagbibigyan nito. Ang isang halimbawa nito ay sapat nang ma-bigyan ang isang tao ng blanket o kumot at hindi na kailangan pang samahan ito ng bedsheet at pillowcase. Tandaan mahalaga pa ring makatipid.

IPON PARA SA SARILI AT PAMILYA

MAG-IPON-3Dapat maging balanse sa pag-iipon at sa paggagastusan ng inyong pera. Hindi naman kasi tamang mag-ipon nang basta para lamang sa mga “pamigay”. Isipin din ang iba ninyo pang paggagastusan.

Sa mga naipon kailangan din naman unahin ang sarili o ang inyong pamilya. Pwede rin namang mag-ipon ng pera para bago ang araw ng Pasko o bago matapos ang taon ay may bibilhin kayong mga gamit para sa bahay, gamit ng mga bata sa kanilang pag-aaral o bilang pandagdag sa inyong mga iba pang mahahalagang gastusin.

Ang ipon ay maaari ring ilaan na lamang sa pang-edukasyon ng mga bata o kaya itabi para sa panggastos sa kalusugan.

ILISTA? ANG MGA GASTUSIN

Bago gumasta at matapos gumasta, mas maiging lagi tayong nakabase sa listahan ng mga bibilhin at ihabol na ilista ang nabiling items nang biglaan.

Kailangan natin ma-track kung anu-ano, saan-saan napupunta o napunta ang ating mga pera.

Tandaan natin na ang hirap kumita ng pera, ang hirap mag-ipon kaya’t hindi tamang sa wala lamang mapunta ang perang pinaghirapan.

TIMING SA PAMIMILI

Shopping saleGaya ng ating nabanggit, pwedeng mamili ng mga discounted item.

Sa pamimili, mas tamang itaon ito sa panahon na hindi matao sa mall o kahit sa mga simpleng pamilihan lamang tulad ng Divisoria o Baclaran.

Pwedeng maagang umalis sa bahay pero dapat nakakain na para hindi na tayo gagastos pa ng malaki sa pagkain sa labas.

Kung maagang pupunta sa pamilihan maiiwasan ang ibang pagod sa dami ng tao. At kung may sapat pang lakas ay mas makakaiisip tayo nang tama para mabili ang items na kailangan.

Maaari ring ikonsidera ang items online o sa kakilalang agents para maiwasan ang maubusan ng stocks. Pero siyempre bago gawin ito ay dapat naaral nang mabuti ang mga presyo ng items mula sa iba’t ibang online shopping destinations. Dapat may sapat na pagkukumpara ng presyo, disenyo at kalidad bago pumili at bumili.

216

Related posts

Leave a Comment