Karaniwang nararamdaman ng sinoman sa atin at wala rin naman pinipiling lugar o oras sa sandaling atakihin ng pananakit ng likod.
Total discomfort pa talaga ang mararamdaman lalo na kung ikaw ay nasa gitna ng trabaho – sa opisina man, paaralan, bahay at kung saan-saan pa.
Malaking istorbo ito lalo na kung namumuo ang sakit sa isang parte o higit pa sa katawan.
Ang sakit na ito ay sagabal dahil hindi tayo makagalaw nang maayos. Tayo man ay nakaupo o nakahiga ay ramdam nang husto ang sakit ng likod. Ramdam din ito kahit tayo ay naglalakad o tumatakbo, kahit pa tayo ay pirmeng nakatayo lamang ay ramdam ang sakit na kulang na lamang ay ihiga talaga ito ngunit hindi naman magawa nang basta. Mas sumasakit rin ito habang tumatagal at hindi nareremedyohan. Ito rin ang kadalasang nagiging dahilan ng pagliban sa opisina, paaralan at iba pa.
MGA SANHI NG PANANAKIT NG LIKOD
Ang pagkakaroon ng pananakit ng likod ay maaaring sanhi ng injuries mula sa pagkahulog, mula sa bugbog o maaaring dala ng pwesto sa tulog – karaniwan dito ang maling pwesto sa pagtulog o ang sinasabing natapat sa hangin o lamig ang likod dahil sa electric fan o air conditioner.
Ang pananakit ng likod ay pwede ring mangyari dahil sa kahinaan ng buto o maaaring dahil sa isang medikal na kondisyon o kaya’y dahil sa natural na katandaan.
PAGSUSURI SA PANANAKIT NG LIKOD
Kung may iba pang suspetsa ng pananakit ng likod, tanging ang mga doktor lamang ang may matibay na kaalaman kung ano ang nararamdaman ng isang pasyente.
Sa sitwasyong ganito, ang inyong doktor ay magpapayo sa pasyente na sumailalim sa mga sumusunod na pagsusuri. Ito ay tulad ng mga sumusunod:
* X-ray. Ang mga imahe nito ay magpapakita ng alignment ng mga buto – pwedeng sabihing kayo ay may arthritis o sirang mga buto. Ang mga imaheng ito ay maaaring hindi maging sapat para masabi talagang may problema kayo sa kalusugan o sa inyong spinal cord, muscles, nerves o disks.
* MRI or CT scans. Ang scans generate images na ito ay magpapakita ng herniated disks o mga problema sa buto, muscles o kalamnan, tissue, tendons, nerves, ligaments at blood vessels.
* Blood tests. Makatutulong ito para malaman kung ang isang pasyente ay may impeksyon o iba pang kondisyon na nagiging sanhi sa pagkakaroon ng sakit o pananakit ng likod.
* Bone scan. Sa bihirang mga kaso, ang inyong doktor ay magsasagawa ng tinatawag na bone scan o pagsusuri sa buto. Maaari kasi na ang inyong mga buto ay may tumor o mayroong compression fractures na sanhi ng osteoporosis.
* Nerve studies. Ang electromyography (EMG) ang sumusukat sa electrical impulses na pino-produce sa pamamagitan ng mga ugat at ang responses ng muscles. Ang test na ito ay maaaring magkumpirma sa sanhi ng herniated disks o pagiging masikip ng spinal canal (spinal stenosis) ng isang pasyente.
TREATMENT SA PANANAKIT NG LIKOD
Ang karaniwang malalang pananakit ng likod ay acute back pain ay nagiging maayos naman sa pamamagitan ng home treatment. Gayunman, ang ganitong kaso ay depende pa rin sa bawat pasyente. Ang nararamdaman ng isa ay maaaring iba sa nararamdamang sakit ng isa pang tao. Pero may iba rin sa atin na nawawala ang pananakit pero matagal.
May pananakit ng likod na nakukuha sa mga pahid-pahid lamang. Ito ay ang mga liniment oil na para talaga sa pananakit ng likod. Sa pagpahid nito kailangan ng sapat at tamang pagmamasahe upang guminhawa ang nararamdaman at hindi lumalala.
Kapag nararamdaman ang ganitong kondisyon ay maaari pa rin namang gawin ang normal na mga aktibidad hangga’t kaya ng katawan. Pero lagi lamang tatandaan na kapag kumilos ay dapat marahan lamang. Sa sandaling walang nararamdamang sakit o kirot, subukan ang mag-ehersisyo na hindi naman intense upang hindi mabigla ang katawan o ang buto.
Maging maingat din sa paggalaw at bantayan ang bawat ikinikilos dahil baka may ginagawa talaga tayo na nagreresulta sa pananakit ng likod lalo na kung may workout na sobrang intense.
Malaking tulong din na maging maayos ang oras sa pagtulog at ang posisyon sa inyong pagtulog. Hindi tamang matulog sa sobrang lambot na higaan o hindi level o pantay ang hinihigaan dahil magiging daan lamang ito ng pananakit ng likod.
Maaari rin namang bumili ng over-the-counter pain relievers.
Kapag ang home treatments na ganito ay hindi umubra at naroon pa rin ang pananakit ng likod, kailangan nang humingi ng tulong sa inyong doktor. Ang bagay na ito ay hindi dapat palampasin lalo kung masyado nang matagal na iniinda ang sakit.
Sa sobrang pananakit ng likod madalas na hindi sapat ang bed rest para rito.
May mga bata ring nakararamdam ng pananakit ng likod lalo na kung mayroon silang backpack na sobrang bigat na hindi akma sa laki ng kanilang katawan. Kapag ganito, dapat bawasan ang bigat ng bag na kanilang mga dinadala. At kung hindi naman ito ang dahilan ay agad silang dalhin sa doktor.
Kung magpapasuri sa doktor siguraduhing tamang doktor ang pupuntahan at hanggang maaari ay sundin ang ipapayo nito para malunasan nang tuluyan ang pananakit ng likod.
942