PEKAS, NASA LAHI BA TALAGA?

PEKAS

Common na sa atin ang makakita ng mga taong may freckles o mga pekas. Pero ano ba ang dahilan bakit mayroon nito sa balat?

Ang mga pekas ay flat na may kulay beige o brown na circular spots na kadalasang kasing laki ng ulo ng metal nail. Ang spots na ito ay marami at maaa­ring ma-develop sa paglantad sa araw o sa paulit-ulit na pagbilad sa araw ng ating balat.

Karaniwang nakikita ang pekas sa mga taong mestiza, mapuputi o mga taong mapula ang buhok. Ibig sabihin nito kung ang mga magulang ay mayroong pekas, mataas ang tendency na magkaroon din ng pekas ang anak nito. Karaniwan ding nakikita ito sa mga batang may edad isa hanggang dalawang taon.

Karaniwan din sa mga pekas ay generally uniform in color pero maaari ring ito ay mag-iba-iba. Ang mga kulay na ito ay maaaring reddish, yellow, tan, light brown, brown, o black – pero basically ito ay slightly darker sa ibang parte ng katawan na may pekas. Mas matingkad din ang kulay ng mga ito kapag mas exposed sa araw at pumupusyaw din naman ang kulay kapag nasa malamig na panahon.

Batay sa mga dermatologist, “Freckles are due to an increase in the amount of dark pigment called melanin and an increase in the total number of pigment-producing cells called melanocytes.

Ang salitang freckle ay hango mula sa Middle English na freken, na nagmula rin umano sa Old Norse na freknur, meaning “freckled.” (Ang ibang speakers ng Old English at Old Norse ay maaaring magkaroon ng mga pekas).

URI NG MGA PEKAS

Freckles vs. lentigines

PEKAS-4Ephelides (singular: ephelis) ay Greek word at medical term para sa freckle. Ang term na ito ay tumutukoy sa laki ng pekas na 1 mm-2 mm flat spots na kulay tan, slightly reddish, o light brown at tipikal na nakikita tuwing tag-araw.

Ito ay karaniwang nakikita sa mga taong may light complexions, at sa ibang mga pamilya, ito ay talagang nasa lahi (genetic) trait.

Ang mga taong may reddish hair at green eyes ay mas prone sa ganitong uri ng pekas. Ang pag-iwas sa araw at pagkakaroon ng proteksyon sa araw, kabilang dito ang regular na paggamit ng sunscreen, ay makatutulong para mahinto o mapigilan ang ang paglabas o pagiging obvious ng freckles.

Samantala, ang lentigines (singular: lentigo) ay hango sa salitang Latin na lentil. Ito ay medical term para sa certain types ng larger pigmented spots na most commonly present sa lugar kung saan lumabas ang sunburn at sun damage. Ang lentigines ay kadalasang darker o mas maitim kumpara sa common freckles at karaniwang hindi nawawala kahit pa malamig ang panahon. Ang uri ng spot na ito ay tumutukoy bilang lentigo simplex o solar lentigo. Ang bilang ng melanocytes at melanosomes (cellular structures na mayroong melanin pigment) ay normal lang in number at appearance. Pero occasionally ang lentigines ay parte ng isang certain rare genetic syndromes, for the most part ito ay isolated lamang at masasabing unimportant spots.

PELIGROSO BA ANG PEKAS?

Ang sinoman na mayroong isa o maraming pigmented spots ay dapat kumonsulta sa kanilang dermatologist para ang mga ito ay ma-evaluate. Maging ang verbal descriptions at photographs ay hindi makakapagbigay ng sapat na impormasyon para makuha ang satisfactory self-diagnosis.

Kailangan din, para masuri rin nang husto ang pekas ay sumailalim ito sa isang full-body skin examination para sa adults bilang part ng isang routine annual health exam.

MGA SANHI NG PAGKAKAROON NG PEKAS?

LEMON-3Sinasabing ang pagkakaroon ng mga pekas ay resulta ng isang combination ng genetic predisposition (inheritance) at sun exposure.

Ang sun at fluorescent tanning lights ay parehas na nagpo-produce ng parehas na (UV) rays, na kung ito ay maa-absorb ng balat ay mae-enhance ang production ng melanin pigment by cutaneous melanocytes.

Ang mga taong may blond at red hair, light-colored eyes, at fair skin ay mga susceptible sa pagkasira ng UV rays at maaaring ma-develop ito sa pagkakaroon ng mga pekas. Ayon sa dermatologist, “a freckle is essentially nothing more than an unusually heavy deposit of melanin at one spot in the skin.”

WALANG HOME REMEDIES SA PEKAS

LEMON-2Kung tutuusin ay walang kahit na anong home remedies na makakalunas sa pagkakaroon ng pekas. Pero sinasabi sa pag-aaral na maaaring subukan ang pagpahid ng hiniwang lemon o gamitin ang mismong fresh lemon juice at banlawan ito matapos ng ilang minuto.

Maaari ring gumamit ng scrub sa paghahalo ng honey at asin o asukal. Nakatutulong ang honey para maging light ang pigmentation.

Subukan din na gumamit ng yogurt at ipahid ito nang direkta sa balat at hayaan lamang ng ilang minuto bago banlawan ng tubig.

Isang opsyon din ang pahiran o pagkuskos ng sibuyas sa balat na may pekas. Ang sibuyas ay mabisang exfoliant upang maging lighter ang appearance ng pekas.

524

Related posts

Leave a Comment