SAWSAWANG BAGOONG

BAGOONG-1

Hindi kaaya-ayang amoy pero “wow” sa Pinoy!

Sa mga pagkaing Pinoy hindi nawawala ang may hindi kaaya-ayang amoy pero patok na patok para sa atin. At kahit saan pang uri ng okasyon ay inihahanda ang pagkaing pagkasarap-sarap lalo na’t sasamahan ng bagoong.

Ito ang mga sawsawang ayaw ng iba pero hindi matanggihan ng nakararami sa atin.

SARAP NA HATID NG BAGOONG

BAGOONG ISDAAng bagoong ay isang uri ng sawsawan na ang pangunahing sangkap ay isda o kaya’y alamang (maliliit na hipon). Ito ay binuburo sa pamamagitan ng pagbabad sa asin at iba pang ingredients. Sa madaling salita ito ay inasnan o binurong isda o alamang.

Hindi tiyak kung saan sa Asya nagmula o naging popular ang bagoong. Ngunit ang bagoong ang isang uri ng sawsawan na sadyang tatak natin dahil bahagi na ito ng ating kultura at tradisyunal na kusinang Pinoy.

Noong araw mas popular ang sisidlan ng bagoong sa mga banga o tapayan. Ibinuburo ito ng ilang araw o linggo para sa mas angat na lasa. Ginagamit pa rin naman ang banga ngunit mangilan-ngilan na lamang. Karaniwan ngayon nakalagay ang bagoong sa malalaking plastic containers.

URI NG BAGOONG

May dalawang uri ng bagoong, ang alamang at isda. Ang bagoong alamang ay in paste form habang ang isda ay liquid.

Ang dalawang uri ng bagoong na ito ay gustung-gusto ng mga Pinoy na ipinapares sa iba’t ibang pagkain.

At dahil mahilig sa iba’t ibang pagkain ang mga Filipino ay hindi rin nawawala sa hapag ang bagoong hindi lang basta bilang sawsawan kundi paminsan ay ginagawa mismong ulam o bilang rekado sa iba’t ibang putahe.

Kulay. Karaniwang nakikita na kulay pink ang bagoong alamang habang ang isda ay darker brown. Ito ay dahil sa angkak, na isang uri ng food coloring. Pero mas maganda kung natural lang ang kulay nito.

BAGOONG NA PANG-EXPORT

BAGOONG EXPORTAng bagoong ng Pilipinas ay may sarap na maipagmamalaki. Naroon din tayo sa antas na kinakailangan pang paghusayan ang lasa at kalidad nito upang mas kayang makipagsabayan sa bagoong ng ibang bansa partikular ang Thailand.

Sa puntong ito ay nakaalalay rin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Department of Trade and Industry lalo na para sa mga nais mamuhunan sa bagoong.

Kahit ang mga simpleng homemade na bagoong ay iba’t iba rin ang sangkap na ginagamit at preparasyon nito ayon sa nakahihiligan ng pamilya.

May ibang naghahalo ng kamatis, sibuyas sa ginisang bagoong. Ang iba naman ay nilalagyan ito ng asukal upang tumamis. Sa ayaw naman ng matamis ay nilalagyan naman ito ng siling labuyo. Mas maraming sili mas masarap sa kanila. Samantala ang iba ay naglalagay rin ng suka sa kanilang mga bagoong upang magtagal ito.

Ang suka ay pantanggal din naman ng lansa ng bagoong o kaya habang naka-serve na ito ay nilalagyan din ng kalamansi upang madaig ang mismong amoy ng bagoong – isda man ito o alamang.

Iba’t ibang katawagan sa bagoong

– Guinamos o ginamos o bagoong isda ay sa Visayas at Mindanao

– Terong na isang uri rin ng bagoong isda at bugguong munamon ng Ilocos

– Padas, bagoong isda

BAGOONG ISDA

PadasMay mga nagsasabing mas matapang ang amoy nito o malansa – e ano pa ba, ito ay mula sa isda. Pero ang bagoong na ito ay masarap at nilalahok din sa mga lutuin tulad ng pakbet, diningding.

Ang bagoong isda na mula sa padas ay popular sa Lingayen, Pangasinan. Ginagamit din nila ang dilis para rito.

Noong araw, ang bagoong nila ay nakasilid sa lata ng gatas na tinatawag na “litsi” at nabibili sa mga pampublikong pamilihan. Pero ngayon ang lagayan nito ay karaniwang nasa boteng babasagin o plastic bottles.

Karaniwang ang bagoong padas dito ay boneless para mas masarap kainin, ngunit mas mataas lang nang kaunti ang presyo nito sa ibang uri nito.

BAGOONG ALAMANG

Ang bagoong alamang na mula sa maliliit na hipon ay binuburo rin sa asin sa loob ng ilang araw o linggo.

Masarap ito sa putaheng tulad ng binagoongang baboy, laing, Bicol express.

BAGOONG BILANG SAWSAWAN

bagnetMasarap na sawsawan ang bagoong sa mangga (hilaw man, manibalang o hinog), santol, o kamias. Pambalanse kasi ang bagoong sa maaasim tulad ng mga nabanggit.

Isinasawsaw rin ito sa nilaga o ginisang kangkong, talbos ng kamote o kahit sa okra, talong at kahit sa nilagang saba.

Masarap din itong sawsawan na hinahaluan ng kamatis at sili bilang kapartner ng bagnet na popular sa Ilocos.

REKADO SA MGA ULAM

bagoong rice– Diningding na kahawig ng laswa, o bulanglang

– Binagoongan

– Bicol express

– Laing

BAGOONG RICE O BAGOONG FRIED RICE

Ito ay pangkaraniwang hinahanda sa mga restaurant. Ang bagoong rice ay mula sa bagoong alamang.

885

Related posts

Leave a Comment