TIME MANAGEMENT TIPS PARA SA WORK-AT-HOME WOMEN

WORK-AT-HOME WOMEN

Masuwerte ang mga mister sa kanilang misis lalo na kung ang mga ito ay may mga trabaho – dagdag kita naman talaga ito at tulong para sa pamilya.

Pero mas masuwerte rin naman kung ang misis o kahit pa single ladies ay pupuwedeng magtrabaho lamang sa bahay – mas tipid ito. Tipid sa pamasahe, sa pagkain, at minsan ay maging sa pagod.

Para sa mga babaeng work-at-home ang sitwasyon, marami rin sa mga ito ang hindi sinasayang ang mga sandali kaya’t kung may mga magagawa pa ay gagawin gaya ng paglilinis sa bahay.

Ang paglilinis sa bahay ay sadyang matrabaho at kailangan ng tutok dito.

PRIORITY

Kailangang magkaroon ng priority list at dito ay nasa ilalim ng time budgeting.

Sa list, isulat ang mga gagawin mula sa pagputok ng araw ay nariyan na maliligo, hanggang sa paglilinis, pagluluto, paghahanda ng mga gagawin pa sa gabi.

Kailangang maisulat din dito ang mga gagawin in between. Pero dapat alam din natin kung ano ang prayoridad lalo’t kung may mga bata o matatanda na kailangang alagaan o bantayan.

Kasama sa dapat na ikonsidera siyempre ay ang trabaho na utos o mula sa opisina. Isang bagay ito na hindi dapat balewalain.

ISA-ISA LAMANG

Para magampanan nang tama ang mga dapat gawin ay maging kalmado lamang upang hindi mataranta at hindi masira ang dapat na trabahuhin.

Iwasang mataranta kahit ano pa ang mga inuuna. Iwasan din ang mga bagay na magpapaistorbo sa inyong konsentrasyon.

Para maging kalmado ay kumuha rin ng time para makahinga nang husto. Mag-unat-unat muna, uminom ng kape o malamig na juice para balik-gana muli sa pagtatrabaho.

I-CHECK ANG EMAIL

Karamihan ng mga gagawin na utos mula sa opisina ay ibinabato sa Email. Dapat suriing mabuti ang mga naririto at itsek kung anong mga bagong pasok sa inbox.

Hindi rin naman dapat kaligtaan na itsek ang sent folder upang malaman kung naipadala na ang dapat na ipadala.

Tulad ng ibang tasks, alamin din kung ano sa mga nasa Email ang dapat unahin at tapusin. Maging partikular din sa mga order na mula sa mga boss o sa ibang tao tulad ng customers o clients.

MAGPAHINGA RIN

Kung may sobrang time – at dapat ay makahanap ng time para makapahinga rin.

Ang power nap ay makatutulong para matapos nito ay maging productive muli sa trabaho.

Sa gabi ay kailangang magkaroon ng kumpletong oras ng tulog para pag nakaharap sa trabaho ay hindi lulugu-lugo.

Gayundin kailangang kumain para magawa ang dapat gawin.

UMAYAW KUNG KINAKAILANGAN

Hindi porke superwoman ka at kaya mong gawin ang iba’t ibang bagay ay ooohan mo na lamang nang ooohan ang trabahong dumarating sa iyo. Naroon na mayroon kang priority pero dapat ding ikonsidera ang priority na ito ay hindi naman magiging stressful sa iyo.

363

Related posts

Leave a Comment