SPORTS COMPLEX GINAWANG MEGA VAX SITE SA CALOOCAN

UPANG mas maraming mabakunahan kontra COVID-19, binuksan nitong Lunes ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang Caloocan Sports Complex bilang isang mega vaccination site.

Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, alinsunod sa tagubilin ng World Health Organization na ang mga bakunang gagamitin ay ilalaan lamang para sa A1, A2, A3 priority groups.

Kayang tumanggap ng hanggang 1,500 magpapabakuna ang Caloocan Sports Complex.

Ang ibang magpapabakuna na kabilang sa A4 ay maaaring magtungo sa ibang itinalagang vaccination sites.

Sa ulat ng City Health Department, mahigit 200,000 na mga residente sa lungsod ang nabakunahan na laban sa COVID-19. (FRANCIS SORIANO)

761

Related posts

Leave a Comment