10th Ronda Pilipinas Oranza, Morales unahan sa titulo

PANGUNGUNAHAN ng dalawang kampeon na sina Ronald Oranza at Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance ang pagsikad ng LBC Ronda Pilipinas sa Pebrero 23 sa Sorsogon at magtatapos sa Marso 4 sa Vigan, Ilocos Sur.

Inaasahang mahigpit na maglalaban sa titulo sina Oranza at Morales na kapwa nagkampeon na sa mga nakalipas na edisyon ng Ronda.

Naghari si Oranza noong 2018 habang back-to-back winner naman si Morales noong 2016 at 2017.

Kaya optimist­ko ang Navy men na hindi makakawala ang titulo sa kanila sa karerang sasalihan din nina El Joshua Carino, George Oconer, Ronald Lomotos, John Mark Camingao, Lance Allen Benito, at King of the Mountain winner Junrey Navara.

“We will just try to live up to what is expected of us, which is to win,” sabi ni Navy coach Reinhard Gorantes.

Alam ni Gorantes na hindi magiging madali ang kanilang pagdaraanan dahil nariyan ang 7Eleven Cliqq-Air21 ng Roadbike Philippines na magbabalik-aksyon sa taong ito.

Ang 2012 winner na si Mark Galedo ang magsisilbing lider ng Air21 kasama sina Marcelo Felipe at Rustom Lim.

Mamanduhan naman ni 2011 at 2015 winner Santy Barnachea ang Scratch It, habang si 2014 winner Reimon Lapaza ang aariba para sa Celeste Cycles-PH-Development Project Pro Team.

Ang iba pang koponang hahataw ay ang Go for Gold, Bicycology (Army), Bike Xtreme, Tarlac/Central Luzon, Ilocos Sur, South Luzon/Batangas at Nueva Ecija. (Ann Encarnacion)

212

Related posts

Leave a Comment