BUMALIKWAS ang University of Perpetual Help System Dalta mula sa first set deficit para talunin ang Emilio Aguinaldo College, 20-25, 25-17, 25-21, 25-17, sa NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Nagsumite si Jhona Rosal ng 17 points, may kasamang dalawang service aces, habang si Dana Persa ay may 11 points, 12 digs at six receptions para sa Lady Altas.
Sa ikaanim na panalo sa walong laro, ang Perpetual ay halos abot-kamay pa rin ang College of Saint Benilde (7-0) at defending champion Arellano University (6-1).
Nakauna ang Lady Generals nang ibulsa ang opening set, pero agad nagising ang Lady Altas at nakabawi sa sumunod na tatlong sets.
“Kahit lousy ang performance namin, medyo erratic, nanalo pa rin kami. Pandagdag ng morale, yun ang nawala against San Beda,” wika ni Perpetual coach Macky Cariño.
Ito ang ikapitong talo ng EAC sa walong laro.
Sa men’s division, inakay ni Louie Ramirez, may 17 points ang defending two-time men’s titlist Perpetual sa 25-23, 29-27, 28-26 panalo laban sa EAC at lalo pang dumikit sa pagkuha sa outright Finals berth. (VT ROMANO)
110