BEAUTIFUL BOXERS RUMAMPA SA PICC

Rumampa sa PICC ang unang Pinoy boxer na umaming bakla na si Roilo Golez (aka Yohana Golez), kasama ang sikat na muaythai boxer na si Parinya Charoenphol (aka Nong Toom) ng Thailand.

Dumalo ang dalawa sa ginaganap na 3rd WBC Women Convention at WBC Asian Summit na inorganisa ng Games and Amusement Board sa pangunguna ni chairman Abraham Mitra at dinaluhan ng mga Pinoy champions at Asian champions, gayundin ng mga ring officials at mediamen.

Lalong nakilala si Charoenphol, na isang knockout artist, nang gawan ng pelikula ang kanyang buhay na may pamagat na ‘Beautiful Boxer.’

Ipinakita sa nasabing pelikula ang dinanas na kahirapan ni Charoenphol mula sa pagkabata at ang pagnanais na maging tunay na babae.

Matapos mag-champion ay isinakatuparan ni Charoenphol ang pangarap at isa na siya ngayong transgender. (VTRomano)

4

Related posts

Leave a Comment