DIAZ, HO SA ‘MATRIX’; WRONG ANALYSIS – PANELO

hodiaz12

(NI VT ROMANO)

NILINAW ng Malakanyang na hindi kasama o bahagi ang mga sports personalities na sina Hidilyn Diaz at Gretchen Ho sa inilabas na ‘matrix’ na nagsasaad ng mga personalidad na sangkot o may kinalaman umano sa destabilization plot laban sa administrasyong Duterte.

Sa halip, ipinasa ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang sisi sa mediamen, gayundin kina Diaz at Ho, dahil mali umano ang pagkaka-analisa nila sa diagrams na inilabas ng Palasyo noong nakaraang Miyerkoles.

Ipinaliwanag ni Panelo, na ang pangalan nina Diaz at Ho ay naipakita sa diagrams bilang bahagi ng mga personalidad na sinusundan o pina-follow sa social media ni Rodel Jayme, ang webmaster umano na gumawa ng ‘Bikoy’ video.

Nilinaw din ni Panelo na hindi nabanggit sina Diaz at Ho sa press conference.

“The diagram contained in the slide includes other accounts Mr Jayme is actively following, to visualize his character, as well as his political and social interests. It is in this context that the names of Misses Ho and Diaz appeared,” paliwanag ni Panelo.

“In sum, there has been a wrong analysis of the diagram by some media outfits which in turn made the basis of a wrong analysis and conclusions by readers and personalities including Misses Ho and Diaz,” dagdag pa ni Panelo sa panayam nitong Biyernes.

Si Diaz, silver medalist sa 2016 Rio Olympics sa weightlifting, ay nagsabing ang pagkakasangkot sa ‘matrix’ ay naka-distract sa kanyang preparasyon sa 2019 SEA Games at maging sa 2020 Tokyo Games qualifiers.

Nag-aalala siya sa kanyang kaligtasan at maging ng pamilya niya.

273

Related posts

Leave a Comment