DURANT, THOMPSON  INAALOK PA RIN NG 5-YR CONTRACT NG WARRIORS

durant12

PLANO ng Golden State Warriors na bigyan pa rin ng 5-year maximum contracts sina Kevin Durant at Klay Thompson, sa kabila ng injuries ng dalawang manlalaro, ayon sa ulat.

Sinabi nitong Biyernes ni ESPN’s Brian Windhorst sa kanyang “First Take” segment, na ang torn Achilles ni Durant at torn ACL ni Thompson ay hindi umano naka-discourage sa Warriors.

Parehong na-injured ang dalawalang star players ng Warriors sa NBA Finals, na pinanalunan ng Toronto Raptors nito lamang Biyernes.

“It is my understanding in talking to people with the Warriors organization is that their intention is to continue and offer Kevin Durant a full 5-year max contract and to offer Klay a full 5-year max contract,” lahad ni Windhorst.

Si Thompson ay magiging unrestricted free agent sa Hunyo 30, habang si Durant ay pwedeng tanggihan ang kanyang $31.5-million player option at magiging free agent din.

Kung muling pipirma ang dalawa sa Warriors, ang team ay magbabayad ng mahigit $350 million sa payroll at luxury taxes, ayon pa kay Windhorst, at may sapat naman aniyang pambayad ang koponan para doon.

Ang Warriors ay lilipat ng kanilang venue mula Oracle Arena sa Oakland patungong Chase Center sa San Francisco.

Pero, matatagalan pa bago makalaro ang dalawa sa Chase Center.

Ayon kay Warriors coach Steve Kerr, si Durant ay paniguradong hindi makakalaro sa 2019-2020 season, matapos operahan noong Lunes.

144

Related posts

Leave a Comment