GINEBRA, SMB RERESBAK

ginebra12

MGA LARO NGAYON:

(SMART ARANETA COLISEUM)

4:30 P.M. — SAN MIGUEL VS COLUMBIAN

6:45 P.M. — GINEBRA VS ALASKA

(NI JJ TORRES)

 

KAPWA babawi ang defending champion Barangay Ginebra at San Miguel Beer sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Haharapin ng Ginebra ang Alaska Aces sa alas-6:45 ng gabi, pagkatapos ng tipanan ng Beermen at Columbian Dyip sa alas- 4:30 ng hapon.

Parehong galing sa talo ang dalawang koponan, ang Ginebra ay nabigo sa Phoenix Pulse Fuel Masters, 111-103 nitong Biyernes habang noong Mierkoles ay tumiklop ang SMB kontra Magnolia Hotshots Pambansang Manok, 118-82.

Ang Ginebra ay nasa three-way tie sa fifth place sa record na 4-4, kasama ang Phoenix at Alaska, na ibabandera ang nagbabalik na import na si Diamon Simpson.

Krusyal para sa Ginebra ang kontrobusyon ng local players matapos mapilitang solohin ng kanilang resident import na si Justin Brownlee ang buong fourth quarter laban sa Phoenix.

Responsable si Brownlee sa 21 sa 22 points na iniskor ng Ginebra sa fourth bago sila kapusin sa huli.

Hindi sana hahantong sa ganoong sitwasyon ang Ginebra kung hindi nila pinabayaan ang Phoenix na makahabol mula sa isang 56-44 halftime deficit. Pagsapit ng third period ay gumawa ng 45 points ang Fuel Masters.

Samantala, ang Beermen ay desperado nang mabaligtad ang kanilang kapalaran sa ongoing conference, matapos makatikim ng 118-82 beating sa kamay ng Magnolia.

Ang SMB ay may record na 2-4 at meron pa silang limang larong natitira sa eliminations.

Kahit pinapaboran sa laro, inaasahan ng Beermen ang matinding hamong ibabato ng Dyip (1-6).

Muntik nang makakuha ng upset ang Columbian noong nakaraang Linggo sa Batangas City nang matalo lang ng dalawang puntos sa kamay ng Rain or Shine, 88-86 sa overtime.

146

Related posts

Leave a Comment