KNOTT UMUKIT NG NEW SEAG RECORD

(NI ANN ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO)

KINUHA na ang ginto, gumawa pa ng bagong Southeast Asian Games record si Kristina Knott nang manguna sa 2019 women’s 200m event sa New Clark City sa Capas, Tarlac kahapon.

Binura ni Knott ang eight-month record ni Zion Corrales-Nelson, ang Fil-Canadian na unang nagtabon sa 33-year-old mark ni Lydia de Vega.

Tinupad ng 24-anyos na dating miyembro ng University of Miami at Arkansas State University sprint squad na si Knott ang kanyang pangako na uukit ng sariling marka sa athletics bago pa man isagawa ang multi-sports tournament.

Nagrehistro ng 23.07 segundo sa 200m dash ang Orlando, Florida based na bagong sprint queen ng biennial meet, higit na mabilis sa 18-taong SEA Games record na 23.30 segundong record ni Supavadee Khawpeag ng Thailand noong 2001 SEA Games sa Kuala Lumpur.

May pagkakataon pa si Knott na mag-level up kung magagawa niyang maabot ang qualifying standard time na 22.80 segundo para makakuha ng isang silya sa 2020 Tokyo Olympics.

Masasabing record-breaking ang performance ng mga atletang Pinoy sa 30th SEA Games nang nagtala rin ng bagong biennial record noong Disyembre 4 si Remedy Alexis Rule nang lumangoy ng 2:10.99 para sa silver medal win sa women’s 200 meter butterfly.

Ang meet record ay 02:11.12 segundo.

Umukit din ng sariling marka si James Deiparine nang gumawa ng bagong SEA Games record na 1:01.46 at magwagi ng gintong medalya sa men’s 100 meter breaststroke.

Ang dating Games record ay 01:01.60 segundo.

346

Related posts

Leave a Comment