LEBRON, PINALAMIG ANG HEAT

MIAMI – Nagpasabog si LeBron James ng 51 points laban sa dating koponan nang talunin ng Los Angeles Lakers ang Miami Heat, 113-97, Lunes (Manila time).

Sa first quarter pa lang ay umiskor na si James ng 19, kung saan umabante ang Lakers ng hanggang 21 puntos.

Ang 51 points ay season high ni James, at pinakamataas na naiskor laban sa Miami. Dalawang beses na siyang umiskor ng 47 points laban sa Heat. Ang huli niyang basket ay mula sa 32-footer, 16 segundo na lang para sa kanyang 13th 50-point game career, kasama na ang playoffs.

Ito ang unang unang pagkakataong nanalo si James laban sa Miami sapul nang iwanan ang Heat makaraan ang 2014 NBA Finals.

Mula noon ay 0-4 na siya sa tuwing makakalaban ang Miami. Ang kanyang teams ay 0-7, kasama ang tatlong Cleveland-Miami games na inupuan niya sa magkakaibang dahilan.

Si Wayne Ellington ay may 19 points para sa Miami (6-10), na nalasap ang ikaapat na sunod na home loss at nasa second-worst start sa nakalipas na 12 taon.

Umiskor si Josh Richardson ng 17 points bago napatalsik sa fourth quarter nang ihagis ang kanyang sapatos sa crowd, habang nagrereklamo sa foul na itinawag sa kanya.

Hindi pa rin nakalaro si Dwyane Wade sa ika-7 sunod na laro para sa Heat dahil nanganak ang asawang si Gabrielle Union. Pero posibleng makabalik siya sa aksiyon ngayong lingo.

540

Related posts

Leave a Comment