OVERSIGHT FUNCTION SA MARAWI REHAB PINAKIKILOS

Inatasan na ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na gawin agad ng Kamara ang kanilang oversight function para sa Marawi rehabilitation.

Ayon kay Arroyo, patapos na rin naman ang mga Legislative agenda ng Pangulo kaya may panahon nang gawin ng Mababang Kapulungan ang kanilang oversight functions.

Partikular na pinagagawa ni Arroyo sa House Committee on Disaster Management ang kanilang oversight functions sa rehabilitasyon sa Marawi.

May mga naririnig umano siyang reklamo mula sa international at domestic stakeholders na wala pang nangyayari hanggang ngayon sa Marawi.

Pinuna rin ng Speaker ang mabagal na update sa status ng Marawi rehabilitation kung saan marami pa ring mga kababayan ang hindi pa nakababalik sa kanilang tahanan dahil sa mabagal na implementasyon ng mga programa.

Inaasahan ni Arroyo na i-e-exercise agad ng komite ang kanilang oversight function upang maipatupad na agad ang mga kinakailangang proyekto para sa Marawi.

8

Related posts

Leave a Comment