WARRIORS SADSAD SA SPURS

SAN ANTONIO — Trumabaho si LaMarcus Aldridge ng 24 points at 18 rebounds nang pagpiyestahan ng San Antonio Spurs ang short-handed Golden State, 104-92 at pahabain ang losing skid ng Warriors sa tatlo.

May 26 points si Kevin Durant at 25 naman mula kay Klay Thompson para sa Golden State, na 2-5 sapul nang itala ang eight-game winning run.

Nag-ambag naman sina DeMar DeRozan ng 20 points at 19 si Rudy Gay para tapusin ng San Antonio ang three-game slide.

Sumabak ang Warriors nang wala sila injured starters Stephen Curry at Draymond Green.

7

Related posts

Leave a Comment