MAGIC EPEKTIB SA CLIPPERS

TUMALAB ang mahika ng Orlando sa pangunguna ni rookie Paolo Banchero, iniskor ang 10 sa kanyang 23 puntos sa overtime, nang magtala ang Magic ng 116-111 win kontra Los Angeles Clippers at putulin ang nine-game losing streak, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila).

Si Banchero, top overall pick sa nakaraang NBA draft, ay na-convert lahat ng kanyang six free throws sa final seven seconds sa OT at nanguna sa paghahabol ng Magic mula sa 111-110 deficit.

Umiskor si Terrance Mann ng 19 points (off the bench) para sa Clippers. Habang si Nicolas Batum, 16 points at si Ivica Zubac, 16 points at 13 rebounds bago na-foul out sa overtime.

May tig-20 puntos naman sina Bol Bol at Mo Wagner para sa Magic, hinabol ang 18 puntos sa first quarter.

Nagsanib sina Paul George at Kawhi Leonard sa 17points sa first quarter nang maglista ang Clippers ng five 3-pointers sa u­nang pitong minuto tungo sa 23-6 lead.

Ang Magic naman, 4-for-18 at may seven turnovers at naiwan sa 32-14 count.

Sa final seconds ng fourth, sablay sina Leonard, Markelle Fultz at George sa kani-kanilang jumper habang tabla ang iskor, 99-99 sa pagtatapos ng regulation.

OKC SINAYAWAN
NG GRIZZLIES

NAGTALA si Ja Morant ng triple-double 26 points, 13 rebounds at 11 assists, nang gumawa ang Memphis Grizzlies ng second-half flurry para talunin ang Oklahoma City, 123-102, sa Tennessee.
Ikalawang triple-double ito ni Morant sa season at ikapito naman sa career.

Nagdagdag si Dillon Brooks ng 24 points at tumapos si Brandon Clarke na may 17 sa paglista ng Grizzlies ng kanilang season-best fourth straight win.

Namuno sa Thunder si Shai Gilgeous-Alexander, may 26 points pero 4-of-14 sa field at 1-of-4 (outside the arc). Umiskor si Tre Mann ng 12 points at si Eugene Omoruyi ay may 11 para sa OKC, naputol ang three-game winning run.

Hindi nagpaawat ang Memphis sa second half, na-outscore ang Thunder 66-50, kabilang ang 29-15 sa fourth quarter.

GSW SILAT SA UTAH

BUMIYAHE ang Golden State Warriors sa Utah, pero hindi kasama sina Stephen Curry, Draymond Green at Andrew Wiggins.

Bagama’t hindi bumitiw hanggang dulo, lumabas ang Warriors mula sa Vivint Arena bitbit ang 123-124 loss sa kamay ng Jazz.

Matapos kunin ang 123-119 lead 13.3 seconds sa laro, walang nagawang basket ang Warriors mula sa back-to-back possession.

Kinumpleto ng Utah ang comeback nang maagaw ni ­Nickeil Alexander-Walker ang bola kay Jordan Poole sa huling 4.3 ­seconds at nagresulta sa fast-break dunk ni Simone Fontecchio.

Tumapos si Poole na may season-high-tying 36 points, si Jonathan Kuminga naman ay may season-high 24 at 22 puntos mula kay Klay Thompson para sa Golden State (14-12) at laglag sa road record 2-11 win-loss.

LAKERS TALO MULI

SA ikalawang sunod na gabi, talo ulit ang Los Angeles Lakers, 126-113, sa host Toronto Raptors.

Hindi lumaro sa Lakers sina LeBron James (left ankle) at ­Anthony Davis (non-COVID illness).

Namaga ang paa ni James, isang gabi makaraang sumalang ng 36 minuto sa 116-102 loss sa Cleveland. Habang nilisan ni Davis ang court matapos ang isang quarter dahil sa masamang pakiramdam.

Malakas na ‘boo’ ang narinig mula sa sellout crowd na 19,800, nang ipakita sa video board ang pangalan ng mga injured player bago ang laro. Sina guard Patrick Beverly (right knee) at forward Wenyen Gabriel (left shoulder) ay hindi rin nakalaro sa Lakers.

Kinailangan din buhatin palabas ng court si Lakers forward Juan Toscano-Anderson sa fourth quarter sanhi ng left ankle injury.

Umiskor si Fred VanVleet ng 25 points at si O.G. Anunoby may 23 puntos para tulungan ang Toronto sa wire-to-wire win at ­umangat sa 10-3 (at home).

Si Dennis Schroder naman ay naglista ng 18 points, habang sina Russell Westbrook at ­Thomas Bryant, tig-16 puntos para sa ­Lakers.

Sa iba pang resulta: Milwaukee Bucks 126, Sacramento 113; Minnesota Timberwolves 121, ­Indiana Pacers 115; Boston ­Celtics 125, Phoenix Suns 98; Brooklyn Nets 122, Charlotte Hornets 116; New York Knicks 113, Atlanta Hawks 89; New Orleans Pelicans 104, Detroit Pistons 98; Chicago Bulls 115, Washington Wizards 111. (VT ROMANO)

206

Related posts

Leave a Comment