MANILA, HOST NG 2020 FIBA 3X3 WORLD TOUR

Ronald Mascariñas-2

MULING tatayong punong abala ang Pilipinas ng World Tour leg ng FIBA 3×3.

Napag-alaman na ang Manila ang magiging host ng 2020 FIBA 3×3 World Tour season, sa pamamagitan ng Chooks-to-Go Manila Masters sa Mayo 2-3 sa SM Megamall Fashion Hall.

Ito ang ikatlong beses na tatayong host ang Manila, matapos ang level-10 event noong 2014 at 2015.

“Last year, 3×3 basketball once again entered the collective consciousness of the Filipino people,” lahad ni Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 league owner Ronald Mascariñas.

“We had three conferences in our local league while also having two international tournaments here, namely the world’s first-ever Super Quest and the Manila Challenger,” dagdag niya.

Kabilang sa mga inaasahang lalahok sa event ang pinakamahuhusay na 3×3 clubs sa mundo, gaya ng Liman, Novi Sad, Riga Ghetto at NY Harlem.

Sa susunod na buwan ay magsasagawa ng qualifier para sa local teams sa gaganaping 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup.

Ang ninth edition ng FIBA 3×3 World Tour ay magtatampok ng all-time best 13 Masters, na ang pinale ay nakatakda sa Nobyembre (2020) sa Riyadh na may nakatayang kabuuang $2.8 million premyo.

“2020 is a big year for 3×3, and we’re excited to see our No. 1 competition – the FIBA 3×3 World Tour – continue to expand so quickly,” komento ni FIBA 3×3 managing director Alex Sanchez.

Inilunsad noong 2012, ang World Tour ay kinakatawan ng mga siyudad mula sa iba’t ibang bansa na nag-qualify sa 13 Masters at Final sa pamamagitan ng qualifying tournaments gaya ng Challengers at FIBA 3×3 Tean Ranking.

Ang 3×3 ay magde-debut sa 2020 Olympic Games sa Tokyo sa Hulyo. (VT ROMANO)

122

Related posts

Leave a Comment