PACMAN SA PAGRERETIRO:  WALANG MAKAPAGDIDIKTA SA AKIN

pac354

HINDI pa si Keith Thurman ang magiging huling kalaban ni Manny Pacquiao.

Ibig sabihin, hindi pa magreretiro ang eight-division world champion at lalong hindi si Thurman ang gagawa nito sa kanya.

Maghaharap ang dalawang welterweight champions sa Hulyo 20 sa MGM Grand sa Las Vegas, at sa kanilang two-day press tour sa New York at Los Angeles, idineklara ni Thurman na magreretiro si Pacquiao matapos ang kanilang laban.

Si Pacquiao ang tuluyang nagparetiro kay Oscar De La Hoya noong 2008. At ganoon din ang balak gawin ni Thurman sa Pambansang Kamao.

“If you understand boxing history, you know that times change,” deklara ni Thurman sa New York presser. “Boxing is in a new era. Come July 20, Pacquiao will disappear. He’ll always be remembered in the sport, but I’m doing to Pacquiao what he did to Oscar De La Hoya. I’m excited to be the guy who shows Manny Pacquiao where the exit is.”

Pero, binuweltahan ni Pacquiao si Thurman sa pagsasabing: “Walang sinumang maaaring magdikta kung kailan siya magreretiro.”

“No man can dictate when I’m going to retire,” litanya ni Pacquiao sa press conference, Huwebes (Manila time), sa Beverly Hills Hotel para i-promote ang kanilang 12-encounter.

Idinagdag pa ng 40-anyos na Fighting Senator, na kusa siyang bibitiw sa boksing.

“I’ve been in this sport two decades. Nobody intimidates me. Thurman should respect his elders, especially this elder,” dagdag pa ni Pacquiao.

Balak din ni Pacquiao na patikimin si Thurman ng una nitong kabiguan.

Si Thurman, 30, ay undefeated sa 29 laban (22 KOs).

141

Related posts

Leave a Comment