PANALO NG BLACKWATER IDEDERETSO SA TATLO

black12

(JJ TORRES)

MGA LARO NGAYON:

(SMART ARANETA COLISEUM)

4:30 P.M. – BLACKWATER VS COLUMBIAN

6:45 P.M. – GINEBRA VS MERALCO

 

GUSTONG patunayan ng Blackwater Elite na hindi tsamba ang kanilang dalawang sunod na panalo sa paghaharap nila ng Columbian Dyip ngayong hapon sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum. Habang pagbawi naman ang nasa isipan ng Barangay Ginebra laban sa Meralco.

Determinadong makuha ng Elite ang ikatlong sunod na panalo sa laban nila kontra Dyip sa alas-4:30 ng hapon at ipagpatuloy ang mainit na start sa pamumuno ng bagong coach na si Aries Dimaunahan at rookie na si Ray Parks Jr.

Nakabingwit ng malaking isda ang Blackwater nito lamang Biyernes nang talunin nila ang defending champion na Barangay Ginebra San Miguel sa overtime, 108-107.

Binandera ni Parks ang panalo ng Blackwater nang umiskor siya ng 10 sa 28 puntos sa overtime period upang makalusot sa Kings.

Si Parks ay inaasahang babandera muli para sa Elite pati na rin ang kanilang import na si Alex Stepheson.

Ang Columbian naman ay gutom na makakuha ng upset matapos matalo sa unang dalawang laro.

Samantala, kakalabanin ng Ginebra ang Meralco sa ganap na alas-6:45 ng gabi at susubukang makabawi mula sa talo nila sa Blackwater.

Importante para sa team ni coach Tim Cone na makakuha muli ng malaking contribution mula sa resident import na si Justin Brownlee at ang 7-foot center na si Greg Slaughter.

Si Brownlee ay nagtala ng 44 points habang si Slaughter ay nagproduce ng 23 points, eight rebounds at two blocks.

Posibleng mahirapan nanaman ang Ginebra dahil ang Meralco ay galing sa 101-92 na panalo sa Columbian nito ring Biyernes.

138

Related posts

Leave a Comment