Kasama na si Ray Parks sa 2018 PBA Rookie Draft.
Sa pamamagitan ng kanyang twitter account, kinumpirma ni Parks na nagsumite na siya ng kanyang aplikasyon para maging bahagi ng draft.
“At the PBA Office making it official,” saad ni Parks sa kanyang Twitter account na pinatotohanan naman ng kanyang agent na si Charlie Dy.
Nakatakda ang Rookie Draft sa Disyembre 16.
Magiging masaya ang pagpili ng 2018 PBA Draft dahil matagal nang inaabangan ang pagpasok ni Parks sa PBA.
Nang makita ang laro nito sa National University para sa UAAP at sa kalauna’y tanghaling Most Valuable Player, nakitang ‘kailangan’ siya sa PBA.
Ang 25-taong-gulang na si Parks na anak ni many-time PBA best import Bobby Parks Sr. ay naging miyembro din ng Team Pilipinas sa Southeast Asian Games (SEA Games) na tatlong beses nanalo ng ginto.
Kasapi din siya ng Alab Pilipinas at naglaro din sa PBA D-League at sa ASEAN Basketball League.
Naging bahagi rin si Parks ng Gilas Pilipinas noong 2017 Fiba Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Pilipinas.
Naglaro din si Parks sa Mandaluyong El Tigre sa 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Anta Datu Cup.
Sa pagsali ni Parks sa draft, inaasahang nasa top 3 pick siya dahil sa kanyang kahanga-hangang solid credential sa larangan ng basketball.
Ang dalawang pinaniniwalaang kabangga ni Parks sa top pick ay sina Lyceum’s CJ Perez at San Beda’s Robert Bolick.
575