(NI JOSEPH BONIFACIO)
NAGTALA ng magkaibang panalo ang four-peat seeking University of Santo Tomas at De La Salle para manatiling unbeaten sa UAAP Season 82 women’s beach volleyball tournament kahapon sa Sands SM by the Bay sa Pasay City.
Sina Golden Tigresses’ Babylove Barbon at Gen Eslapor ay magaang na tinalo sina Kring Uy at Chen Ave, 21-10, 21-9 at pahabain pa ang kanilang winning run sa apat at 22 sunod na panalo sapol noong 2016.
Ang Lady Spikers ay umangat din sa 4-0, pero nangailangan sina Tin Tiamzon at Justine Jazareno ng tatlong sets para laktawan sina Sheena Gallentes at Shiela Mae Kiseo ng Far Eastern University, 21-23, 21-10-15-10.
“We have the potential naman to go far in this tournament and I’m proud of my teammates kasi marami kaming pinaghirapan through training,”lahad ni Tiamzon.
Laglag ang Lady Tams sa third place (3-1).
Sina Ponggay Gaston at Roma Mae Doromal ng Ateneo ay nagtala rin ng madaliang panalo laban kina Andrea Abian at Chlea dela Fuente ng National University, 21-10, 21-8 para magsolo sa ikaapat na pwesto.
Ang Lady Eagles ay wagi sa kanilang huling dalawang laro, matapos ang 0-2 sa season.
Sa iba pang women’s match, pumasok na ang University of the Philippines sa win column, nang talunin nina Rosie Rosier at Euri Eslapor ang tambalan nina Lyen Ritual at Juliet Catindig ng University of the East, 12-21, 21-18, 15-13.
Tabla ngayon ang Lady Maroons, Lady Warriors at ang Lady Falcons sa 1-3 kartada, habanga ng Lady Bulldogs ay winless pa rin.
169