ITATAYA ng University of the East at Ateneo ang kanilang men’s at women’s title sa pagsisimula ngayon ng UAAP Season 82 fencing tournament sa Paco Arena.
Tampok ang men’s individual saber at women’s individual foil sa alas-8:00 ng umaga, habang ang men’s individual epee ay lalaruin sa hapon.
Ibinulsa ng Red Warriors ang ikapitong sunod nitong titulo at 13th overall noong nakaraang season sa likod ng mahusay na performance sa individual events, kung saan si CJ Concepcion ang nagwagi sa saber gold at si two-time MVP Sammuel Tranquilan naman ang nanalo sa epee at foil events.
Si reigning MVP Maxine Esteban, nag-uwi ng gold medals sa individual foil at saber events sa kanyang rookie season, ang mangunguna sa kampanya ng Lady Eagles na manatili sa trono.
Sa likod ng performance ni Esteban, naibulsa ni Ateneo ang ikalawang overall championship, at una sapul noong 2006, kasabay ng pagputol sa 11-year reign ng UE Lady Warriors.
Maghahangad naman ang Junior Warriors, ng golden double sa high school division.
Sa pangunguna ni Asian U23 championship gold medalist Samantha Catantan, ang UE ay nasungkit ang ikawalong titulo sa girls’ division, habang ang boys’ team ay naiuwi naman ang ikasiyam na sunod nitong kampeonato sa pamamagitan ni MVP Prince John Francis Felipe. (VT ROMANO)
196