UAAP MVP TITLES SA FOREIGN PLAYERS

Parehong dayuhan ang tinanghal na Most Valuable Player (MVP) ng UAAP Season 81 basketball tournament.

Si Bright Akhuetie ay naging unang winner ng MVP plum mula sa University of the Philippines sapul nang mapanalunan ni Eric Altamirano ang award noong 1986, taon kung saan huling napanalunan ng Fighting Maroons ang kampeonato sa men’s division.

Habang si Grace Irebu ng Congo ang humablot ng highest individual award sa women’s side, para maging unang UST Tigress na nakapagbulsa nito sa loob ng 10 years.

Inakay ni Akhuetie, dating Perpetual Help player, sa kanyang unang UAAP season, ang Maroons na makarating sa Final Four sa unang pagkakataon sa nakalipas na 21 taon bilang three seed sa tangang 8-6 record.

Kumulekta ang Nigerian national ng 82.5 total statistical points, matapos mag-average ng 18.85 points, 14.64 rebounds, 2.78 assists, 1.07 steals at 0.92 blocks.

Nasa pangalawang posisyon sa MVP race si Angelo Kouame ng Ateneo (76.21 SPs).

Si Kouame, na bagamat hindi makakasama sa Mythical Team (bunga ng UAAP rule), siya naman ang tinanghal na Rookie of the Year.

Kasama ni Akhuetie sa Mythical Five sina UE super scorer Alvin Pasaol (74.57 SPs), UP playmaker Juan Gomez de Liano (63.86), La Salle big man Justine Baltazar (61.29) at Adamson Sniper Jerrick Ahanmisi (58.38).

Ang Congolese center ay nakaipon ng 80.57 SPs mula sa 18.5 points, 13.8 rebounds at 2.7 blocks upang tulungan ang UST na makapuwersa ng fourth-place playoff kontra La Salle.

8

Related posts

Leave a Comment