NAGBITIW kahapon bilang coach ng Gilas Pilipinas si Yeng Guiao, matapos ang masalimuot na kampanya sa FIBA World Cup na ginanap sa China, kung saan walang naipanalo ang koponan.
Ang resignation ni Guiao ay nangyari isang araw matapos siyang makipagpulong sa mga opisyal ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pamumuno ni Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan.
“In the light of all these developments, I am stepping down, as of today, as the Head Coach of the Gilas Men’s Basketball Team, in order to give the SBP a free hand in building and developing a program towards achieving our objective of competing with the best of the best,” wika ni Guiao sa isang mahabang statement.
Inatasan si Guiao na pamunuan ang team matapos ang insidente kung saan nagrambulan ang players ng Gilas at Australia sa World Cup Qualifiers noong Hulyo 2018.
Sinimulan ni Guiao ang kanyang pamumuno sa Indonesia Asian Games kung saan nagtapos ang Pilipinas sa panlimang pwesto, habang kabilang sa roster ang Fil-American NBA guard na si Jordan Clarkson.
“I have no regrets in having taken the path I have taken in the past year; the only regret is that I would have wanted the team to have performed better on the world stage,” dagdag niya.
285